BREIGH’s POV Walang nagsasalita sa pagitan namin ni Castiel habang nagmamaneho lang ako papunta sa ospital. Naiintindihan ko naman kung bakit tahimik siya ngayon kaya ayoko naman tumatahimik na lang din ako. Actually, malapit nang mag tanghali kasi dumaan pa kami kanina sa unit niya kasi magpapalit daw muna siya ng damit kasi amoy alak pa rin siya. Masaya naman ako sa naging desiyon na magpakita na sa Mama niya. Paniguradong matutuwa si Ma’am Caroline kapag nakita niya na si Castiel. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na nga kami sa ospital. Ako ang unang bumaba sa aming dalawa at ilang segundo pang nanatili si Castiel sa loob ng sasakyan pero hindi ko naman siya minamadali kaya hinintay ko na lang siya hanggang sa magkusa na siyang lumabas. Ngayon ko pa ba siya mamadaliin kun

