Ilang oras na akong nakatingin lang sa kisame nitong kwarto ko at hindi pa rin ako makatulog dahil sa sobrang pag iisip sa nangyari. Parang pinupunit ang puso ko kapag naaalala ko na nakatingin lang siya sa akin at walang kibo. Pakiramdam ko ay naiiyak ako kapag na- aalala ko siya. Sobra na akong nasasaktan. Ang dami niya nang ginawa sa akin na hindi niya alam na malaking bagay yun para sa akin. Unang una, bakit hindi niya sinabi sa akin na hindi na ako ang magiging partner niya? Kung kailan ka orasan na tsaka niya ako hindi sisiputin? Bakit naman siya ganon sa akin? Shit! Naramdaman ko na lang na pumatak na pala ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan sa may pisngi ko na mabilis kong pinunasan. Ayaw ko naman na magsinungaling pero--- ang sakit sakit talaga. Yung pangalawang ginawa

