Wala si Dad ngayon dito sa condo dahil umalis siya para bumili ng drinks namin, maybe canned beer. Natuloy kasi ang pagkain nila dito ng dinner ds unit ko. Habang nagluluto ako ng dinner ay nakatayo lang si Kuya sa may harapan ko at parang may gusto siyang sabihin sa akin. Kilala ko si Kuya. Kapag ganyan ang ikinikilos niya ay alam kong may gusto siyang sabihin sa akin pero nag aalala siya. Napangiti na lang ako habang umiiling. "Sabihin mo na kung may gusto kang sabihin sa akin. "Sabi ko sa kanya habang patuloy lang ang ginagawa kong paghalo ng sauce ng pasta na niluluto ko. Napatingin sa akin si Kuya ng diretso. Napansin ko pa ang ginawa niyang paglunok ng laway tsaka nag lean down siya sa may counter kaya naman medyo lumapit ang mukha niya sa akin. "Look baby, I think--

