Nakabalik na ako sa ospital at agad na akong pumunta sa kwarto ni Lee, naabutan ko siya doon na nakahiga na at may mga band aid na rin yung sugat niya sa ulo. Mas okay na ngayon ang itsura niya kesa kanina. Nang mapansin niya ang presensya ko ay agad akong ngumiti sa kanya tsaka ako tuluyang lumapit sa kama niya. Nang aktong uupo siya sa kama ay mabilis ko siyang inalalayan at pinasandal na lang sa may unan. “Bakit bumalik ka pa? Sana umuwi ka na kasi gabi na rin.”mahinang sabi niya. Ngumiti naman ako ulit sa kanya. “Nangako ako na babalikan kita. Uuwi na rin naman ako, may gusto lang din akong sabihin sayo ng personal.”sabi ko. “Ano naman yun?”tanong niya. “Nakausap ko si Sir Evangelista, yung asawa ni Ma’am Caroline. Nabanggit niya sa akin na ililipat nila ng ospital si Ma’am Caro

