BREIGH’s POV Tahimik lang namin na tinatahak ni Castiel ang daan papunta sa may ilog habang may dala siyang maoiit na picnic basket sa kanan niyang kamay. Siya ang nauuna sa akin habang nasa huli naman ako kaya malaya kong natititigan ang kaniyang likod. Wala akong kahit konting ideya kung bakit bigla siyang nag akit na mag- picnic pero heto ako at nakasunod lang sa kaniya. Siguro, part of me ay iniisip na baka ma-open ulit niya yung topic--- I mean, yung gusto niyang itanong sa akin kagabi na hindi natuloy dahil kay Lee. Gaya nang sinabi ko ay hindi ko pa yun handang sagutin pero hinihintay ko na maulit yun. Ang g**o ko diba? Hays. Hindi nagtagal ay nakarating na nga kami sa may ilog. As usual, payapa ang tubig at ang ganda ng view dito. Kung maganda siya kapag gabi, mas maganda pa

