Nararamdaman ko ngayon ang pagtibok ng puso ko at tila napupuno pa ng init ang buong katawan ko. Bakit nararamdaman ko ang lahat ng 'to? Sa buong buhay ko, ngayon ko pa lamang naranasan ang ganitong klase ng pakiramdam. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko, at doon narinig ko ang lakas ng pagdaing na ginawa ko. Pumasok sa akin lahat-lahat ng nangyari. Anong nangyayari?! Namatay ako hindi ba?! Napadilat ako ng mga mata at doom bumungad sa akin ang mga mukhang ngayon ko lang nakita. Lahat sila ay nakatingin sa akin, tila nag-aabang ng gagawin at sasabihin ko. Bakit sila nakatingin sa akin? Bakit sila andito? Bakit ganiyan ang suot nila? Ito na ba ang sinasabi nilang kabilang buhay? "The soul has entered her body. Who are you?" bigkas ng isa sa kanila. Ano raw? Ano pinagsasabi ng mga 't

