2 : The Family that seems perfect

1981 Words
The Writer's POV Life seems always perfect. Anyone who would know the Madridejos family would wish they were also born into this dynasty. Pero ano nga bang meron sa mag-anak na Madridejos? Hindi naman sila kasing yaman ng mga Sy, oh kasing makapangyarihan kagaya ng mga Aquino. In fact, they do not have ties with the politics, or in the business world. All of them can be considered Middle Higher Class family. Sila yung mga hindi naghihirap, pero simple pa rin ang pamumuhay. Komportable sila sa pang araw-araw, may magandang bahay, at may pagkain sa ref. Minsan nga ay sobra-sobra pa. The Madridejos Family were so close to the point where the titos and titas who were just married to the members of the family felt like they were all blood related. It was as if they were born and raised in this family. Isa silang normal na pamilya. Pero masyado nang malakas ang tawa ni tita Wendy upang alalahanin pa ang kasaysayan ng mag-asawang Madridejos. Napapa rami na rin ang nainom ni tito France, at nangangalahati na rin ang Vodka ni tita Gretchen at tita Gael. (Author says: pr. GA-EL) Habang sa kabilang dulo nama'y nag-uusap sila tito Varisto, tito Norman, tita Agatha at tita Charina tungkol sa politika. Si tito Lupin at tito Hernan nama'y nakikisama sa mga usapan ng mga batang magpipinsan na kumakain sa sala. "Gusto niyo malaman gaano ako kayaman??? Hi-nire ko lang naman bilang taga luto ang head chef ng Sheraton." Pagmamalaki ni tito Hernan. "A-ha-ha, tas binigay niyang budget sa'kin 500 lang." Bulgar ni tito Lupin. "Tito naman, ang yaman-yaman mo eh tas 500 lang???" Reklamo ni Guia. "Ang tawag kasi dun mga anak, charity work." "Ang tawag kasi dun tito, kuripot work." Bara ni Clyne. At nagtagumpay naman siya upang makabawi sa pang-aasar ni tito Hernan sa kanya kanina. "Ahh, kuripot work pala ha? Oh sige. Huwag kang kakain ng cake ha." Napuno ng tawanan ang sala sa pagbabanta ni tito Hernan. "Hernaaaaan, dito ka nga. Huwag ka na magpa feeling teenager dyan. Dito ka, mag-usap tayo." Astigin na tawag ni tito Juan sa kanya. "Oo nga Hernan. Di ka babata sa pakikipag-usap sa mga bata." Dagdag pa ni tito Lupin. "Isa ka pa, Lupin, halika dito." Sigaw ulit ni tito Juan. "Pareho kayong isip bata noh," saway ni tita Gael. Samantala, nasa island counter naman sina Yna at Liham kumakain. Nasa sala sila kanina pero napagdesisyonan nilang kumuha ulit ng pagkain. "Wooow, your hair looks so beautiful today. You even curled them. Tas sinuot mo pa yung bow na binigay ko sayo." Pansin ni Liham kay Yna. A pink silk ribbon. Liham gave it to her last month. He saw it on the mall, and he thinks about Yna. "Yeah, I really love this. I'm thinking of buying another one." Natatawang sabi ni Yna at sumubo ng Cordon Bleu "Offf-- ang sarap ng cordon bleu, Liham. Swear." Sabi ni Yna. "Cordon Bleu? Oh. I'm really not a fan of it." "Oh come on, Liham. Don't be a little biss. Tikman mo." Yna said while cutting a bit of the cordon bleu and spoon fed it to Lihapm. Liham never liked the taste of Cordon Bleu. He hates the feeling of cheese and meat, and oil, and breadcrumbs. Siguro, maliban na lang sa Cordon bleu na sinubo ni Yna sa bibig niya. "WOOOOW, ang sarap!!!" Sabi ni Liham at kinuha ang isang cut sa plato ni Yna. "Lihaaaaam, kumuha ka dun. Stop stealing my food." Tawang-tawa na sabi ni Yna. "Nagustohan niyo yung cordon bleu? Ham sa palengke lang ginamit ko diyan tsaka durog na sky flakes para bread crumbs." Proud na namang sabi ni tito Lupin. "HONEYYY!!! stop exposing yourself!!!" Saway ni tita Wendy. "Bakit?? Itong si Hernan kasi 500 lang binigay eh. Kinuhaan ko pa sweldo ko, tss." "Have you tasted the lechon belly?" Tanong ni Liham at sinuboan si Yna ng natitira niyang balat ng lechon. Pag yung jowa mo hindi binigay yung last na balat ng lechon, that's not love. Sa sala naman ay nag-uusap ng muli si Guia at Sunny. Ang ate ng magpipinsan at ang nag aate-atehan ay nagkakasundo. Pero iba ang nangyayaring pag-uusap sa tatlong si Dreighton, si Charina, at si Clyne-- purong mga mata at pagtitinginan lang ang ginagawa. At nagsimula na ang pag-ungkat ng madilim na usapan sa handaang ito. "I saw Yna walked out of Liham's apartment at 4 AM." Confess ni Clyne. "I-I've got a friend there too, and they always saw Yna walked in there at night, and leave at 5." "And now, nagsusuboan pa sila." Dagdag pa ni Charina. Dreighton was so silent. "Sabihin mo na lang kasi kay Yna." "Yeah. Mag-usap kayo." Tulak ng dalawa sa kanya. Napabuntong hininga si Dreighton, at napa lingo-lingo. "Alright then. I also have to tell her something." Sa sinabi ni Dreigthon ay nanlaki ang mga mata nila Clyne at Charina. He slowly approached the island center, went a few steps up and threw a gaze at Yna. "Anong gusto mong dessert mamaya?" Tanong ni Yna kay Liham. "Hmm.... let's see. Ah! The cake you brought. The creme and raspberries." Sabi nito. As Yna was listening to this, she was hit by Dreighton's sharp and loud eyes. "Ikaw?" Excited na tanong ni Liham. "The f*****g, carrot, bullshit cake." Mura nito at ibinalik ang tingin kay Clyne at Charina. "H-huh?" Bigla itong ngumiti ng matamis at sinabing, "Wait lang! Tawag ako ni Kuya." At sumunod sa taas. They went inside Dreighton's room, and they never knew what happened downstairs. "Psst. Charina." Pabulong na tawag ni Clyne. "Do you think na aamin na si Dreighton na he's gay?" "Gay??? I thought hindi siya bakla." Nagugulohang tanong ni Charina. "But you heard what he just said right? Girl, keep your brain grounded, okay. Think." "Paliit ng paliit na ang shorts ni Dreighton ah." Pansin ni tita Wendy. "Ah? Talaga? Di ba fashion yan ng korean-korean? Paliitan ng shorts, tsaka pagandahan ng polo shirt?" Sabi ni tito Hernan. Masyado ng lasing si tita Helen upang ipagtanggol ang anak niya at sabihing, "Hindi bakla si Dreighton. Hindi pa siya umaamin, pero kung bakla siya, ano namang meron? Bakla nga anak mo, Wendy eh." "Ay naku, Wendy naalala ko nga dati eh. Maskuladong-maskulado ako pero ang shorts ko sa basketball, kita na pigi ng pwet ko." Amin ni tito Varisto. "Oy, Gretchen, huwag mo papabayaan si Yna ha? Marami ng nagsu-suicide na law students ngayon." Alalang-alala na sabi ni tita Agatha. "Varisto, bakuran mo yan si Sunny. Baka bigla kang magka apo dyan." Sabi ni tito Juan. "Kumusta naman ang baking business mo, Maelin? May bumibili ba?" Diretsong sabi ni tita Gael. "Oo nga, Maelin. Nababawi mo ba tubo mo?" Tanong ni tito Lupin. "Hoy, France. Okay ka lang dyan??? Patulog ka na naman ah." Pansin ni tito Norman sa nakayukong si tito France. Habang si Guia na nakikinig sa usapan nila ay parang nasu-suffocate. Dahil konti lang sila sa pamilya, at masyado silang close, lahat ng myembro ay may say sa buhay mo. Lahat ng miyembro ay may pakealam sa personal mong buhay. Minsan nakaka tunaw ng puso, minsan nakaka inis. Pero ito ang itinuro sa kanila. Ito ang pag-ibig ng isang pamilya. Kung saan kinakalinga ang bawat isa at ginagabayan ang mga mas nakababata upang mapunta sa tamang landas. Ito ang itinuro ni ama at ina. Pati na rin ng mga Inay at Itay. "Tss. Lianara, tawagin mo nga sina Dreighton at Yna. Tell them if we could play a game." Utos ni Guia sa kanina pang tahimik na si Lianara. Lianara went upstairs, at nagulohan siya. Sa second floor ng bahay na ito, may sala set, at may apat na pintuan. Medyo madilim, at masyadong tahimik. Natatakot na si Lianara kaya minadali niya na ang paghahanap sa dalawa. Unang pintuan, it was tita Helen and tito Hernan's room. Second door, was the CR. Isasarado na sana ni Lianara ang pintuan ng may marinig siyang ungol. At isang sitsit. Mula pa man noong bata pa siya ay natatakot na sila sa bahay ni Dreighton. Kakaiba kasi ang pagka design nito, at medyo weird at intimidating. Dahan-dahang isinirado ni Lianara ang pintuan upang hindi maka disturbo sa mga hindi nakikita ng normal na mata. Ikatlong pintuan.... Napakapit siya ng mahigpit sa door knob, at pinikit muna ang mata bago ito pabiglang binuksan. At sinalubong siya ng Malamig na hangin. Ito pala ang pintuan na nagdudugtong sa hagdan papuntang rooftop. Bahagya siyang napahinga. Sa wakas, isang pintuan na lang ang kailangan niyang buksan. "May hinahanap ka?" At tumingin siya sa ibabaw ng kanyang ulohan.... At sa ibabaw ng terrace ay may para bang nakabitay na lalaking naka purong itim. Sa sobrang itim ng kanyang damit ay di na niya makita ang mukha nito. "Si-sino ka???! Hindi ka namin kakilala ah??! Anong ginagawa mo diyan??? Hindi ka naman bisita nina tita Helen ahh???!" Ito ang mga tanong niya sa lalaki ngunit walang lumabas sa bibig niya. Pati ang paghinga niya ay nahinto rin. Wala siyang ibang makita kundi ang anino ng lalaki at ang ngiti ng puting-puting ngipin nito. Sinirado niya ang pintuan at patakbong pumasok sa nag-iisang kwarto at nagtago. Isinirado niya ang pintuan at napasandal. "Lianara???" Nanlaki ulit ang kanyang mga mata ng makita si Dreighton at Yna. "Oh my God, what the f**k are you doing??!! Hindi ka ba tinuroan ni tita Venice na kumatok??!" Nangagalaiting sabi ni Yna sa kadahilanang pati sila ni Dreighton ay nabigla. Mula sa dilim ay unang lumapit si Yna. Hinawakan siya sa magkabilang braso nito at sinimulang iyugyog. "What the f**k did you heard???" Sa ilang taon na pagsasama nila ni Yna ay ngayon lang ito nagkaroon ng apoy sa mga mata. Nagliliyab na apoy. "W-wala!!! Wala akong nakita. Wala akong narinig!!! Inu-Inutosan lang ako ni ate G-Guia para itanong kung pwede ba tayong maglalalalaro." Sabi ni Lianara pero pahigpit at palakas ng palakas ang pagyugyog ni Yna sa kanya. At tumayo si Dreighton at pina kalma si Yna. "Yna, tama na. It's fine. Hindi naman siguro magsusumbong si Lianara," Bumaling ang tingin ni Dreighton sa namumutla ng si Lianara, "Di ba?" Takot na takot si Lianara pero wala siyang magagawa kaya tumango na lang siya. Kasalanan niya pa rin na hindi siya kumatok bago pumasok. At kagaya ng ilang beses, hindi na naman siya nakapag explain ng side niya. Nabigla siya ng yakapin siya ni Yna. "I am so sorry. Nabigla lang ako." Sabi nito habang hinahaplos ang likod niya. "I love you so much but," At biglang nag-iba ang tono nito. Biglang lumalim at dumilim, nagbabanta at nakakatakot. "You better keep your mouth shut or you'll never be able to open your lips again." Sabi nito at binitawan siya. "Yna. Tama na." Saway ulit ni Dreighton. "Let's just hope for the best." Sabi nito at normal na ngumiti. "Sige na, call them and told them na dito tayo maglalaro." At dahan-dahang umalis si Lianara sa kwarto. Kaagad namang binuksan ni Yna ang ilaw sa kwarto at sa sala sa taas. Mali talaga siya.... mali... maling-mali. P-pero, wala naman siyang narinig di ba? Wala. Sadyang natakot lang talaga siya sa nakita niya sa rooftop. "A-akyat na daw k-kayo," sabi niya sa sala at naunang umakyat. "So Guia. What should we play???" Tanong ni Clyne. "I don't know. Monopoly? Scrabble? Cards? Or yung nilaro natin sa beach?" "You mean yung Mafia game?" Tanong ni Charina. "Mafia--what? It's called the serial killer game!!!" Excited na sabi ni Sunny. "Serial killer game?" Rinig nilang sabi ni Yna mula sa kwarto. Pagpasok nila ay nakaupo ito sa kama ni Dreighton. No one noticed the dying flames on her eyes and her rough stares on Lianara. "Really? Well I've never heard of that before." She said, and smiled. And finally, she's the normal Yna, trusting Lianara that she would keep her eyes, Ears, And mouth shut.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD