Kakasikat lamang ng araw ngayong umaga. Sabay na tumatakbo sina Maro at Brent sa gitna ng park. Dama ng kanilang mga balat ang malamig na simoy ng hangin na nilalanghap din nila. Napapatingin si Brent kay Maro. Ngumingiti ito. Masaya siya na kasama si Maro sa pagsisimula ng araw. “Sabihan mo lang ako kung pagod ka na at pwede naman tayong magpahinga,” sabi ni Brent kay Maro na tumingin sa kanya. Ngumiti si Maro saka tumango-tango. Tuloy sa medyo mabagal na pagtakbo sina Brent at Maro. May mga kasabay silang tumatakbo dito sa park. Kunsabagay, puntahan rin naman kasi ng mga gustong mag-exercise ang parke. “Tara at maupo na muna tayo para magpahinga,” pag-aaya ni Brent kay Maro. Napatango-tango si Maro. Pinuntahan nila ang bench na nasa ilalim ng puno. Magkatabi silang naupo doon. Par

