“HINDI mo siya asawa o kahit nobyo, Queenie. Hindi mo siya obligasyon.” Sinilip muna ni Queenie kung nasa sala ba si King at baka marinig nito ang pinag-uusapan nilang mag-ama. Isang linggo na rin simula nang makalabas ito ng ospital. Dahil in-advise ng doctor na kailangan muna nitong magpahinga kaya nagpaalam ang dalaga sa kaniyang mga magulang na kung puwede, sa kanila muna titira ang binata. Bukod sa hindi maayos ang pahingaan nito sa barracks, wala ring mag-aalaga kay King. Sumang-ayon naman ang Mama niya. Pero ang Papa niya, isang linggo lang daw ang kaya nitong ibigay na pabor kay King. “Hindi rin naman ho tayo kaano-ano ni King, ‘Pang. Pero noong mga panahon na tayo ang nangailangan, lalo na nang isugod natin sa ospital si Cindy noon, hindi rin naman siya nagdalawang-isip na tu

