Chapter 2: Ezekiel

1802 Words
"K-kuya..." "Kumusta, pet? Pagkatapos ng limang taon na pagtatago sa France, nagdesisyon ka ring magpakita." Tuluyan na siyang lumayo sa akin at humakbang papunta sa living room ng suite. Kinakabahan man ay sumunod ako sa kanya. "So what made you decide to come back?" Muling tanong nito habang prenteng nakaupo sa mahabang sofa. "Um... gusto nina Daddy at Papa na dito na ako mag-aral ng college, Kuya." Tipid akong ngumiti sa kanya ngunit isang nababagot na ismid ang isinagot niya sa akin. "Talaga? Gusto nila? Baka naman kaya ka bumalik ay dahil sa akin." Napanganga ako sa kanya. "H-hindi! Hindi, Kuya. G-gusto siguro nilang... um... magkasundo na tayo." Kinakabahan kong sabi habang nananatiling nakatayo. "Magkasundo?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. Napatitig ako sa kilay niyang nakataas. Kahit badboy na badboy ang aura niya, napakalakas pa rin ng s*x appeal niya. Kung guwapo siya noon, mas guwapo siya ngayon. Nagmature ang itsura niya at lalo pa nitong pinalakas ang appeal niya. Para silang pinagbiyak na kamatis ni Papa. Mas manipis nga lang ang lips ni kuya at mas masigla ang mga mata. "You mean as brothers?" Muli niyang tanong nung hindi ko siya sinagot. "O-oo, kuya." Tumango pa ako sa kanya. Bigla siyang humalaklak ng malakas na nagpatayo sa mga balahibo ko. Nakakapangilabot siyang humalakhak. "Ako? Makakasundo ka bilang kapatid?" Muli siyang tumawa na para isang napakalaking biro ang sinabi ko. "Paano ko makakasundo ang isang bakla na pinagnanasaan ako ng ilang taon?" Nawala ang ngiti niya at tila sumiklab ang galit at pandidiri sa buong pagkatao niya. Pakiramdam ko naman ay isa akong icecandy na bigla na lang ilinublob sa kumukulong tubig. "K-kuya... bata pa ako noon. M-maaaring naipagkamali ko lang y-yung paghanga ko sayo sa l-love..." mainit na mainit ang buong katawan ko. Hindi ko inexpect na ganito na kaagad kainit ang muling paghaharap namin. Sinusunog ako ng buhay ng mga tingin niya. Natigilan siya sa sinabi ko. Matagal niya akong tinitigan. Pagkatapos ay ngumisi siya. Pero iba ang sinasabi ng kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang paniningkit ng mga ito at ang lalong pagsiklab ng apoy sa mga yun. Hindi ba siya masaya sa sinabi ko? Bakit tila mas nainis pa siya sa akin? "Talaga lang ha?" Tumayo siya at naglakad para lumapit sa kinatatayuan ko. "O--oo, k-kuy----mmph!" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong magkadikit na pala ang mga labi namin. Tila tumigil sa paggalaw ang mundo at ako ay naging bato. Ayaw rumihistro sa isip ko ang kinalalagyan ko ngayon. Nakayuko si kuya sa akin. Nakatingala ako sa kanya. Wala siya kagalaw-galaw mula sa pagkakadikit ng mga labi namin at ganun din ako. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa. Pagkagulat ang nasa akin at paghahamon ang nasa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Itutulak ko ba siya? O nanamnamin ang sandaling ito? He decided for me. Ngumisi siya habang magkadikit pa rin ang mga labi namin. Pagkatapos ay naramdaman ko ang mga kamay niyang humawak sa magkabilang pisngi ko. Then he tilted my head. Nagsimulang gumalaw ang maiinit niyang labi. Noong una ay waring nakikiramdam lang muna ang mga ito. Waring dinarama kung gaano kalambot ang kanilang kinadidikitan. Hanggang ang banayad na paggalaw ay naging mapangahas. Nagsimulang bumilis ang paggalaw ng mga labi niya. He started to taste, to nip and to suck. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang munti niyang pagkagat. He then closed his eyes and went for a french kiss. I was shocked to say the least. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ngayon ko na ba siya itutulak? Gaganti ba ako ng halik? Hahayaan ko lang ba siya? Bakit niya ba ito ginagawa?! "Hmmh..." he moaned inside my mouth when our tongues clashed. Before I could control my self, instinct kicked in. I was already answering his kiss. Napakapit ako sa mga braso niya nang lalo niyang palalimin ang ginagawang paghalik. Lalo akong nawawala sa sarili ko habang lalong tumatagal at lumalalim ang halik na aming pinagsasaluhan. I was moaning whenever he taste my tongue and groaning whenever he gives it a bite. He sucked on it. At gaya ng kung paano ito nagsimula, ganun din ito nagtapos. Like a lightning, hindi ko nasundan pa ang mga sumunod na nangyari. I just found my self on the floor, my bum hurting. Itinulak niya na pala ako. "You disgusting liar." He spat. I wanted to protest but I just bit my still wet lip. Ako pa ngayon ang nakakadiri samantalang siya ang humalik sa akin? "Hindi ka pa rin nagbabago. You're still a filthy, weak loser." I heaved at the insults. But I managed to swallow my voice. "You do not deserve to be here. You do not deserve to be a part of MY family. And you do not deserve to be with me. If you have not realized it before, I'll make you realize it now." Hindi pa rin ako sumasagot dahil alam kong higit pa rito ang maririnig ko at lalo lang akong masasaktan. "Stay at Yaya Bebang's room. And make sure that when you leave that room, wala ako dito sa suite. I don't wanna see your freaking face." Yun lang at tinalikuran niya na ako. Nang marinig ko ang pagsara ng main door ng suite ay saka lang ako tumayo. Pinagpag ko ang likuran ng pantalon ko at saka ko inabot ang mga bagahe ko. Pumunta ako sa may kusina at dumiretso sa isa sa mga pintuang naroon na may pangalang Yaya Bebang. Beggars can't be choosers, right? Pagpapagaan ko sa loob ko. I opened the door and went inside. Maliit lang ang kuwarto ngunit maayos naman. Hindi na ako nagbihis pa at agad ko nang inayos ang mga damit ko sa nag-iisang closet na naroon. At least, may sariling banyo ang silid. Nang matapos ako ay agad na akong nahiga sa maliit na kama na linagyan ko ng bagong bedsheet na nakita ko sa taas ng closet. May amoy na ito mula sa tagal ng pagkakatago pero kaya ko namang tiisin ang amoy. Pagod na ako isama pa ang jetlag kaya bukas na lang ako bibili ng bago. May sarili naman akong ipon mula sa allowance ko na binibigay ni Daddy buwan-buwan. Pero nang makahiga na ako ay hindi ko naman magawang matulog agad. Naitanim sa isip ko yung mga sinabi ni kuya. Pagbabanta. Yan ang itinanim niya sa akin. Hindi pa rin pala siya nagbabago ng turing sa akin kaya napakadali niyang magbitaw ng masasakit na salita. Alam ko na simula na naman ito ng kalbaryo ko sa piling ni kuya. At alam na alam ko na hindi magiging madali ang lahat simula sa araw na ito. Pero hindi ba at ito ang kailangan ko para mawala sa isip ko si Tommy? I hope coming here would serve my purpose since hindi na magtatagumpay yung plano nina Daddy na magkasundo kami ni kuya. Pero sana lang, makayanan ko. ... Tunog ng cp ko ang gumising sa akin. Sapo ang ulo na bumangon ako para sagutin ang tawag. Napatingin ako sa bintana. Umaga na pala. "Hello?" Paos ang boses na sinagot ko ang telepono. "Baby boy." Malamyos na tawag sa akin ng nasa kabilang liniya. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangiti. "Daddy." Nagkaroon ng sigla ang boses ko. "Kumusta ang flight mo, anak? Okay ba yung binigay na suite ng kuya mo sayo? Kung hindi ka kumportable dyan, dun ka na sa penthouse. Gamitin mo na lang yung master's bedroom since may sariling kuwarto naman ang kuya mo roon." Natulala ako sa kawalan sa aking narinig. Jarius was supposed to give me my own suite? Then bakit niya ako pinagstay dito sa penthouse at sa kuwarto ni Yaya? Napatampal ako sa noo ko nang marealize ko ang kabagalan ng isip ko sa pag-analyze ng lahat. Jarius wants me under his nose 24/7. How sweet. Note the sarcasm there. "Yeah. It was nice." I lied. I hate liars and I hate lying especially to Daddy. Pero sa pagkakataong ito, I was forced to do it. Kapag sinabi ko sa kanya kung nasaan ako, baka oramismo ay sumakay siya ng private jet namin at pumunta rito. That will cause trouble to Jarius and I will right away end up as his punching bag. Again. Yes. It was always like that before. Kapag napapagalitan siya dahil sa akin, suntok sa sikmura ang kapalit. Kung minsan sampal. Kung mamalasin, sipa. "Are you sure?" Nag-aalala pa ring tanong ni Daddy. "Yes, dad. I'm 100% sure." God, forgive me for lying to the person who I owe my life. "Eh ang kuya mo kumusta? Kumusta kayo?" I bit my tongue. Damn, padami nang padami ang pagsisinungaling ko. "He's okay. Yeah, we've met a while ago and he's... um, nice." Sana hindi mahalata ni Dad ang pagsisinungaling ko. "Really? That's great! Anyway, I've sent 50 grand to your account a while ago. Buy all the things you'll need." "Dad, that's too much!" Dollars ang pinag-uusapan dito. Ganiyan kasi si Dad. Ayaw na ayaw niyang nabibitin kami sa allowance. At yung pinapadala niya ay galing lang sa kanya. Iba pa yung account na galing kay Papa na buwan-buwan din niyang linalagyan ng pera pang-allowance ko. And I'm telling you, kapag si Papa ang nagbigay, manlalaki talaga ang mga mata mo sa dami ng zero. Parang nagpapalakihan nga sila ng daddy sa maipapadalang allowance eh. "Anong malaki? Your kuya asked for a hundred grand last week." "Dad..." I wanted to say na unlike their son, hindi ako gastador at maluho. "Zeke, anak ipunin mo na lang kung hindi mo magagastos. Pagbigyan mo na ang daddy mo. Yan na nga lang ang pambawi ko sayo sa mga pagkukulang ko eh." "Dad, please wag mong isipin na may pagkukulang ka. Yung pag-ampon at pagtanggap sa akin bilang anak ay sobra-sobra na." "Zeke, kailan mo ba aalisin sa isip mo na ampon ka? Anak ka na namin ng Papa Marcus mo. MARTENEI na ang pangalang dala mo." How can I forget where I come from and what I used to be if kuya will always remind it to me? "Daddy, thank you. And... I love you, dad. Kayo ni Papa." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Lagi na lang akong naiiyak kapag sinasabi ko ang mga salitang iyon sa kanya. "We love you too, Zeke. I have to go now. May ooperahan ako thirty minutes from now. Take care of your self. Alagaan mo rin ang kuya mo, ha?" Bilin niya. "Yes, dad. I will." Alagaan si kuya? Nearly impossible. Baka siya ang mag-aalaga sa akin... ng suntok, sampal, sipa at pang-iinsulto araw-araw. I stared at my phone when I heard the dial tone. Then, I took a very, very deep breath. Alam ko, paglabas ko sa kuwartong ito ay magsisimula na ang pakikibaka ko. Good luck, Zeke. I murmured to myself.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD