"Ano ba, bata? Saan mo ba ako balak dalhin?! Aba kanina pa tayo paikot-ikot ah!" Naiinis na ako sa batang ito. Aba, ang yabang! Ambilis maglakad! Mas tila ako pa ang napapagod sa paghabol sa kanya ah. Basta sumunod ka na lang. Langya namang bata ito. Kung makapagsalita parang nasa ilalim ng lupa. "Uy, ano yun?!" May tila malaking anino kasing tumakip sa isang bintana. Pero nung itutok ko yung flashlight, wala naman akong nakita. At ang nakakainis pa, tila permanente nang nakatayo ang mga balahibo ko! Pati batok ko nanlalamig na. Pakshete. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ah. Wag mong pansinin yun. At wag kang maingay kung gusto mong makita agad ang mga kasama mo. Aba! Namumuro na sa akin itong tyanak na ito ah. Kung makasermon, akala mo naman... s**t. "Asan ba sila?! Kailangang m

