"Jayson!!!" Napasigaw sa labis na pagkagimbal sina Miggy at Jurace. "Guys, tulungan natin ang kapatid ko! Hindi siya marunong lumangoy dahil sa takot niya sa mga pating!" "Ilawan nyo ako, hahanapin ko sila!" Utos ko sa dalawa. Akmang tatalon na ako nang biglang lumitaw ang ulo ni Jayson sa lugar kung saan sana ako tatalon. "Haah!" Sobrang lakas ng paghingal niya. Agad naman niyang itinaas si Jessie na nakablindfold pa. Umubo ito at sumuka ng maraming tubig. Mabilis naming inabot si Jessie mula kay Jayson at hinila paakyat sa bangka. Inasikaso siya agad ni Miggy at kinalas ang blindfold at iba pa niyang pagkakatali. Binalingan ko si Jayson at iniabot ang kamay ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ito. "C'mon! Ano pa ang ginagawa mo dyan?! Di ba hindi ka marunong lumangoy? Malulunod ka!"

