CHAPTER 3

1502 Words
NAGISING si Mia at nagulat nang makitang tulog na tulog si Anthony habang yakap-yakap siya. A-anong nangyari? Nalasing ba'ko? May nangyari ba sa'min? Bakit niya ako yakap? Ilan lang iyan sa mga katanungan ni Mia nang magising na yakap ni Anthony. Tinignan niya ang binatang tulog pa rin, dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap nito sa kaniya at umupo upang suriin ang sarili. Suot niya pa rin ang kaniyang kasuotan kagabi, pero ang isip niya'y ginugulo ng tanong na, "Ano nga ba ang nangyare at nagising ako sa bisig niya?" kinuha niya ang toothbrush sa pouch at dumeretso sa banyo, habang nakatingin sa salamin ay may napansin siya. "A-ano 'to? B-bakit ako may ganito? May nangyare kaya talaga sa amin? Oh my!" nasapo niya ang bibig, hindi malaman ang mararamdaman, pandidiri ba sa sarili, mahihiya o magagalit. "Bakit wala akong maalala? Tumanggi kaya ako? O ginusto ko rin?" panay ang tanong niya sa sarili at ilang beses tinignan ang chikinini sa kaniyang leeg, nang maramdamang may lumabas sa kuwarto ay dali-dali na siyang nagsipilyo. Ang isip ay nananatiling okupado kung tatanungin ba si Anthony sa kung ano ba talaga ang nangyare. Matapos magsipilyo ay muli niyang sinuri ang leeg kung saan naroon ang marka na nagsasabing maaari ngang may nangyare. Inayos ang may kahabaang buhok at itinakip sa parteng iyon. Tapos na rin siyang maghilamos kaya lumabas na siya na sakto namang papasok si Anthony ng kuwarto. "Good morning!" pilit niyang pinasigla ang sarili, "Good morning! Masakit ba ang ulo mo? O may masakit ba sa iyo?" nanlaki ang mata niya. "Ulo ko? Hindi naman. A-ano namang sasakit sa akin?" kinakaban niyang wika, hindi malaman kung dederektahin ng tanong si Anthony kung may nangyare sa kanila o aalamin ito ng hindi nagtatanong. "Ah wala, ang bilis mo pala malasing haha! Hilamos lang ako," paalam nito at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto ng kuwarto. Naiwang tulala si Mia ng ilang segundo bago dali-daling pumasok sa kuwarto para kunin ang cellphone at mag google sa discovery app. Do virgin girls don't feel any pain and don't bleed during their first s*x? "Everyone's hymen is different. Many people's hymens naturally have less tissue, or are already stretched out of the way from other things (like tampons), so they don't have pain or bleeding the first time they have sex." -plannedparenthood.org "What?! Eh paano ko malalaman?" halata ang pagkairita sa mukha niya, dali-dali niyang hinomescreen ang cellphone nang makitang papasok na ulit si Anthony. Hindi na siya nakatiis kaya naman, "Anthony, uhmm..." itutuloy na niya sana ngunit nagsalita ito, "Oh, sorry. Hindi ko alam na nalagyan kita ng hickey. Hindi ko sinasadya Mia," namula siya at hinawakan ang buhok para takpan ulit ang markang sumilay na pala, hindi niya manlang namalayan. "M-may nangyare ba?" nakayuko niyang wika. Tinignan siya nang seryoso ng binata bago nagsalita. "Sorry...hindi ako nakapagpigil Mia," natutop ni Mia ang bibig habang tuloy sa pag arte si Anthony. "Papanagutan ko naman kung mabuntis kita," "Ano?!" malakas na wika ni Mia, hindi pa niya ma-digest ang naunang sinabi ngayon ay may panibago pa, kaya naman talagang nagugulat siya't naguguluhan. "Hindi ako nakapagpigil, 'yong suot mo kasi--" "Enough! Okay na. 'Wag na natin pag--what?! Bakit ka tumatawa?" naiirita at naguguluhan niyang wika matapos makitang tumatawa si Anthony. Patuloy ito sa pagtawa na lalo niyang kinainis. "May nangyare ba o wala?!" inis na niya talagang wika, dumeretso ng tayo si Anthony at pinigilan ang sariling tumawa muli. "Wala 'no. Maginoo kaya ako sa personal," nag iwas ito ng tingin matapos iyon sabihin. "Eh bakit may chikinini ako?" hindi kumbinsidong wika ni Mia. "Bakit? Masakit ba 'yung ano mo?" Namula ng husto ang pisngi niya dahil sa tanong ng binata pero ayaw niyang padaig dahil nahahalata niyang parang niloloko siya nito. "Bakit pinasok mo ba iyong ano mo?" si Anthony naman ngayon ang natigilan, hindi niya inaasahang lalabanan siya nito. "H-hindi," "Hindi naman pala e. Edi wala ngang nangyare pero bakit nga may--" "Pero tinikman ko iyong ano mo. Tss." parang tinakasan ng dugo si Mia, natigilan sa narinig at nagsising pinatulan niya ang pang aasar ni Anthony. Hindi niya alam kung anong mas maganda, iyong wala kang nalalaman o iyong malaman mo 'yung katotohanan. "Huy, joke lang. 'Yung leeg mo kako ang tinikman ko haha!" nahampas niya sa balikat si Anthony at nakahinga siya ng maluwag, tumawa ang binata dahil tagumpay siya sa pangbubuyo rito. "Bwiset ka!" "Pero ako nga gumawa niyang sa leeg mo, nakatulog kanga sa sarap. HAHA!" Hinabol niya ito ng palo pero nakalabas na ito ng kuwarto. Natawa nalang din siya sa isiping ang lakas ng tama ng lalaking iyon, pero ang katotohanang muntik na may mangyare sa kanila ay ginulo ang isip niya. Mag aalas syete palang ng umaga, nagpaalam si Anthony na bibili ng pandesal sa malapit lang na bakery, kaya naman naisipan niyang pumunta sa kusina at magpainit ng tubig para magtimpla ng kape. Nang bumalik si Anthony ay nakatimpla na ang kape at nakalapag na sa dining table, kumain sila ng tahimik at pagkatapos ay nagpaalam siyang maliligo. Habang naliligo siya ay sinamantala naman ni Anthony ang pagtra-trabaho sa big project niya, nang matapos si Mia at makitang busy si Anthony sa laptop at notebook nito ay sinamantala niya naman iyon para magsulat ng update sa kaniyang istorya sa w*****d. "Mia, bibili lang ako sa palengke gusto mo sumama?" Maya maya'y alok ni Anthony nang mag tatanghalian na, inisip niya kung sasama siya pero naisipan niyang maglinis nalang ng bahay kahit hindi naman marumi. "Next time nalang, hintayin nalang kita rito." "O sige, i-lock mo itong pinto saglit lang ako." sinunod niya ang bilin ni Anthony, hinanap niya ang walis tambo at dustpan saka nagwalis-walis mula sa loob ng kuwarto, sa kusina at sala. Binuksan niya ang pinto at winalisan ang harapan ng bahay gamit ang walis tingting. Inabutan siya ni Anthony sa ganoong puwesto, "Mia!" ngumiti siya nang makita itong papalapit pero ang mukha nito'y halos hindi maipinta. Tinignan niya ang paligid at nakitang maraming tambay sa kaniyang likuran, kung saan marahil kanina pa siya pinag iisipan ng masama dahil sa suot niyang maikling maong na short at sandong manipis. Binalewala niya ang itsura ni Anthony at itinabi na sa gilid ang walis at dustpan saka inabot ang dala dala nitong pinamalengke. Pumasok sila sa loob na hindi siya iniimik ni Anthony. "Ako na ang magluluto," alok niya. Alam niya kasing busy itong tao at malamang ay marami pa itong trabahong dapat tapusin, "Wala naman silang sinabi, ni hindi nga nila ako sinitsitan kaya tingin ko e--" "Lalaki ako Mia, alam ko ang iniisip ng mga kapwa ko lalaki." "Yieh! Selos ka 'no?" "Asa ka pa." "Whatever! So, sinigang 'to right? Hindi ko ilalahat dahil palagay ko masyadong marami ito para sa ating dalawa, puwedeng ibang luto naman para sa gabi o gusto mo ba hanggang gabi na?" "Basta masarap okay na." ani nito, inirapan niya ito saka tinawanan, dumeretso siya sa kusina hinugasan ang mga gulay at baboy. TAHIMIK lang silang kumain na dalawa, siya na dapat ang maghuhugas ng hugasin ngunit ipinilit ni Anthony na siya na lang ang maghuhugas, kaya naman naupo nalang siya sa salas at ipinagpatuloy ang pag update. Si Mia ay isang erotic writer, kadalasan ang content ng mga isinusulat niya ay hindi puwede sa bata lalo na sa mga taong hindi malinaw at malawak ang pang unawa ukol sa maseselang usapin. "Nag a-update ka?" napatingin siya kay Anthony na sumulpot sa likod niya, marahil tapos na itong mag hugas ng pinagkainan nila. Ngumiti siya. "Yup!" aniya at ipinagpatuloy ang pagtipa, "Patapos na ba iyan? 'yan ba iyong inaabangan ko?" "Patapos na, gusto mong basahin at bigyan ng komento pagkatapos ko?" hindi lumilingong wika ni Mia, "Sige ba, tapusin mo na then let me read." Nang matapos nga si Mia ay ibinigay niya ito kay Anthony, naupo siya sa tabi nito at tinignan niya lang si Anthony habang binabasa ang isinulat niya. "As usual, kailangan mo nanaman ata buhusan ng Holy water haha. Well. Maganda siya, konting linis lang sa technical I know you can do it. Tutulungan kita." Ngumiti siya, alam niya naman na tutulungan talaga siya ni Anthony na paghusayin ang pagsusulat niya. "What about a collaboration? Patapos mo na itong story na ito 'di ba? Kapag natapos mo na then collab tayo, anong masasabi mo?" Lumawak lalo ang ngiti niya, expected niya ito dahil magkasama na sila. "Well, sino ba ako para tumanggi sa iyo hindi ba? Of course sure. Pagkatapos ng story na ito." Parehas silang nakangiti habang nakatingin sa mata ng isa't isa. "What will be the title and genre?" "Hmm...basta ang genre is erotic dahil ikaw ang ka-collab ko haha!" "i****t nanaman iyan ano? Haha! Ikaw pa yata ang mas mahilig sa atin e," natawa si Mia sa naisip niyang iyon. "Hands-off kaya ako." napailing nalang si Mia dahil sa sinabi ng binata na tagilig sa paniniwala niya kahit na napatunayan na iyon ng binata kagabi matapos siyang hindi galawin. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD