Nagising ng maaga si Gwen at pakiramdam niya na ang himbing ng tulog niya. Dumeritso siya sa kusina nina Corrie nang malanghap niya ang aroma ng kape. Ang gaan-gaan rin ng pakiramdam niya ngayong nandito na siya sa bahay nina Corrie. Marahil napapanatag lang siguro ang loob niya dahil alam niyang ligtas na siya sa lugar na to. "Ma'am, kumain na po kayo ng breakfast." alok ng kasambahay nina Corrie. Nang maamoy na naman niya ang aroma ng kape, bigla nalang kumulo ang kanyang tiyan. "Thanks manang Aida, pero hihintayin ko na lang po na magising si Corrie." Tumawa ang matandang kasambahay. "Naku hija, sa tanghalian pa yon magigising. Mauna ka na lang sa kanya mag-agahan." Bigla namang sumulpot si Corrie sa pintuan ng kusina. Halatang bagong gising pa ito dahil nakasuot pa ito ng silk robe

