Chapter 14

2212 Words
Pinatay na ni Russ ang engine hudyat na nakarating na sila sa bahay nina Gwen. Pinagmasdan niya ang bahay nila at humahanga siya sa Spanish-era na disenyo nito. Ang sabi sa kanya ni Gwen na ito raw yong lumang bahay nila na pina renovate ng kanyang dad upang magsilbing tahanan nila ni Kenny pagkatapos ng kasal ng mga ito. Gwen held the door handle as she gazed pensively at the house. Ano kaya ang inisip ng babae? naalala na naman kaya nito si Kenny? O umaasa ito na sa pagbukas nito sa pintuan si Kenny ang bumangad sa kanya at humihingi ito sa kanya ng kapatawaran? Eh siya, anong magiging reaksyon niya kung makikita niya ang pagmumukha ng lalaking iyon? Kung naroon nga sa loob ng bahay si Kenny at naghihintay sa pag-uwi ni Gwen, hindi kaya hihimatayin nalang siya sa selos? O di kaya ang unang magiging reaksyon niya ay masusuntok niya ito sa mukha. Di bale kung anuman ang rason nito sa pag-iwan kay Gwen at pagkaubos ng pera nito. Sa isiping iyon napakuyom tuloy ang kamao ni Russ. As far as he remembered, nine years old palang yata siya noon nong nakipagsuntukan siya sa kanyang kaklase. Baka sa ganitong pagkakataon pa ma ulit iyon. Nakita niyang napalingon sa kanya si Gwen. She looked beaten and his heart ached. "I don't know what's wrong. Pero natatakot akong pumasok sa loob." Lumabas siya sa kotse at linapitan si Gwen. Hinawakan naman niya ang magkabilang balikat ni Gwen at nagkatitigan sila sa mga mata. "Natatakot ka ba kung nandito nga siya o natatakot ka kung wala nga siya dito?" "Natatakot ako pareho. Wala kasi akong maisip - kung pano ko siya haharapin sa likod ng ginawa niya. Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit nagawa niya to sakin." Sinimulan na niyang pihitan ang seradura pero napatigil bigla ito. "Nagsasabi ka ng totoo, di ba? Tungkol kay Kenny. Na bago pa ang kasal namin, nakipagkita pa siya sa kung sino-sinong mga babae." "Sana hindi ko nalang sinabi sayo yon. I'm sorry." aniya at tinalikuran si Gwen para kunin ang bagahe nito na nandoon sa kanyang trunk. "Saan ko po ilalagay ang iyong bagahe ma'am?" he asked cheerfully. Nginitian lang siya ng babae saka binuksan ang pinto. Sa pagbukas ni Gwen sa kanilang pintuan, namumutla ang mukha nitong napalingon sa kanya. "Nawawala yong pinakamahal namin na painting." "Ano?" Gulat rin siya sa pahayag ng babae at ibinaba niya sa sahig ang buhat-buhat na bagahe. Nanginginig naman ang kamay nitong itinuro sa kanya ang empty wall. "Wala na diyan ang pinakamahal namin na painting. Nanakawan kami." He took a step, enabling him to see past the foyer. Siya na ang unang pumasok sa bahay at napansin niyang empty rin pati ang sala ng mga ito. Pagkapasok ni Gwen sa loob mas lalo tuloy itong nagulat. Stiffed-legged, blank faced, and she moved like a sleepwaker through the empty room. "I think this room is supposed to have furniture." aniya pa. In the middle of empty room, Gwen stopped. "Tama ka, nawawala rin pati mga kagamitan namin. At ngayon ko lang din napatanto na napakalaki pala ng bahay na to." Ngayon lang din napatanto ni Russ kung ano talaga ang totoong motibo ni Kenny, ang sabi pa nito sa kanya isang linggo bago ang kasal. "Pare, ikaw muna ang bahala sa mapapangasawa ko. Tulongan mo siyang maging sulit ang bakasyon niya sa resort ninyo." Gawing sulit ang bakasyon, huh! Kaya pala, plano na nitong nakawan at huthutan si Gwen. "May susi rin ba si Kenny sa bahay ninyo?" "Yes." Her tone was as dull as her eyes. "He was supposed to move his belongings in this week. May duplicate na susi siya at alam rin niya kung pano e disarm ang security system dito sa bahay." pahayag nito. He followed her through the house. Except for the kitchen, the first floor had been stripped of all furniture, leaving only off-colored shapes on the floors and walls. Pag-akyat nila sa taas, doon mas na appreciate ni Russ ang laki ng bahay. The upper floor consisted of five bedrooms and a study room. The octagonal-shaped study room had built-in bookshelves from floor to ceiling. May nakita naman siya roon na isang maliit na pinto na may combination dial and electronic keypad na lock. "Bakit sa lahat ng pinto ninyo dito, yang isang maliit na pinto lang ang may safe lock?" "Wala kasing tiwala si daddy sa safety-deposit boxes sa bangko. Yang cabinet na yan ang ginawa niya noon na bangko." She keyed in a combination and the light on the keypad turned from red to green. She turned the combination lock dial and opened the safe lock. But again, it was empty. Napabuntong-hininga ito. The safe interior was surprisingly large. Russ stepped in closer for a better view. "Anong nandiyan?" "Mga binigay sakin na jewelries ni mommy. At may cash din. Dito rin nilagay ni daddy ang lahat ng old coins niya, at dito ko rin nilagay yong mga insurance na dokumento ko." "Alam ba ni Kenny ang number combination sa safe?" "Hindi ko sinabi sa kanya, pero nakita niya kung pano ko ito buksan. Sabi kasi niya na gusto niyang makita ang mga old coins ni daddy dahil na iintriga raw siya sa mga ito. Few days later, he asked me if I would keep some cash for him. Malaki raw kasi ang nakuha niyang pera nong nakapag closed siya ng isang real-estate deal. So he needed to keep the cash safe hanggang sa makontak niya yong buyer at mapirmahan yong papeles." "Pero later on binigyan mo nga siya sa number combination?" Napapailing si Gwen. "Magaling sa memorization si Kenny. Yan ang isa sa hinahangaan ko sa kanya. He's very good with numbers, too. Hindi na kailangang ilista pa niya ang numero ng telepono o ang isang address. Dahil maaalala talaga niya." Binuksan naman ni Gwen ang isang kwarto roon, at napansin niya kaagad na pambabae ang kwarto. "Kwarto mo?" tanong niya. "Yes." She opened a pair of folding doors, revealing a closet. "Wala na rin ang mga alahas ko." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Gwen at pinaharap ito. Blangko ang mukha nito. He pushed on her shoulders until she sat. Then he sat beside her at hinawakan niya ang mga kamay nito. "If you don't show some kind of reaction, dadalhin talaga kita sa hospital." "Reaction?" "Mukha ka kasing mannequin." "Bakit anong gusto mo? Mag hysterical ako? Umiyak?" taas noong wika nito. "Lahing matatag ang mga Lacsamana. We do not succumb to hysterics." "Hindi ko makita sa mukha mo." He meant it. It caused him almost physical pain to see the woman with whom he'd spent the best week of his life hurting. "Ang lamig ng mga kamay mo. Namumutla ka rin. You're scaring me." "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang ganyan ang mararamdaman mo." "Stop with the politeness, Gwen. Don't you feel anything? Ninakawan ka rin ng mabait mong asawa." Napapikit ng mga mata si Gwen. Nang magmulat ito puno na nang hinanakit ang mga mata nito. "Oo galit ako. Galit na galit ako." "Anger is good." aniya pa. "Ang tanga ko. Siya lang ang gustong magbakasyon ako, kahit na ayoko. I din't want a vacation, but I went anyway, dahil sinusunod ko ang lahat ng gusto niya dahil mahal ko siya." madamdaming pahayag nito. "Pero ginamit niya lamang ako." "Manggagamit nga siya, Gwen." at kinamumuhian na niya ang lalaking iyon. Hinohuthutan lamang nito si Gwen kahit pa alam nitong makakasakit siya sa damdamin ng babae. Wala talagang kapatawaran ang ginawa nito. Binawi na ni Gwen ang mga kamay nito mula sa pagkakawahak ni Russ. "Marami pa akong dapat gawin. Hindi ko man masyadong ma express ang taos-pusong pasasalamat ko sayo, pero balang araw mababayaran rin kita sa lahat ng ginawa mo para sakin." "Hindi naman ako humihingi ng kapalit, Gwen. We're in this together. You and me. Nandirito lang ako palagi para sayo." "Taking on my problems is not reasonable." She lowered her face and eyelids. Even without cosmetics her eyelashes were long and lush. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganyan nalang ang pinapakita mong awa sakin. Pero ayaw na kitang masangkot pa sa mga problema ko." During the week they'd spent together, kahit pa may kakaiba na siyang nararamdaman para kay Gwen, pero inignora niya ito dahil alam niyang off-limits na ito. Una palang niyang nakilala ang babae ay nagustohan niya kaagad ito. At kailanman hindi pa niya nararamdaman ito sa mga babaeng una niyang nakilala. "I got myself into this mess," saad pa nito. "Kaya I must get myself out." "Not without me." tugon rin niya. "Your kindness--" "Stop with the kindness crap. Maaawa lang ako sa mga pusang gala at sa asong kalye. You're not either of those, right? Gusto mo bang malaman kung bakit ginagawa ko talaga to? Fine." Hinapit niya ang beywang ni Gwen saka sinunggaban niya ng maalab na halik ang babae. Nong una, unresponsive ito. Bagama't hindi siya tumigil sa paghalik nito. He kissed her because she was beautiful and he desired her. At ang lambot pa ng mga labi nito. He peeked through narrowed lids at nakita niyang napapikit na rin ang babae. He wrapped his arm around her shoulders and fitted her slender body against his chest and kept kissing her. Ang pagtugon ng babae ay ang lalong nagpa aroused sa kanya. He teased her with his tongue, tasting the softness of her lips. He touched the silky skin of her cheek and the gentle line of her jaw. He wanted her so much. All of her. He needed her as he'd never needed anyone before. Pero syempre gusto pa rin niya ang pagpayag nito sa gusto niyang mangyari sa mga oras na yon. Ngunit bigla nalang siyang itinulak nito. "Tumigil ka!" mangiyak-ngiyak na turan ni Gwen. "Ano ba itong ginagawa mo?" Naalarma naman siya sa gulat na boses nito. She pushed her hands against his chest until he released her, and she jumped to her feet. Nakita rin niyang namumula ang mga pisngi nito. "May asawa na akong tao, Russ." "What?" napatawa siya ng hilaw. She twisted her wedding ring. "I'm married." "Pagkatapos ng ginawa niya sayo? My God, Gwen. Ken is a con artist." "Asawa ko pa rin siya. Kahit pa hindi niya pinahalagahan ang wedding vows namin. Asawa ko pa rin siya. Kaya hindi maaari ang gusto mong mangyari." ani Gwen at tumakbo ito palabas ng kwarto. Napatanga lang siyang napatitig sa pag-alis ni Gwen. Hindi na siya nasurprisa sa ginawa ng babae. Marangal kasi ito at may dignidad, kaya nga mas nadagdagan pa ang paghanga niya sa babae. Pero mas nadagdagan naman ang pagkamuhi niya kay Ken. Sa sala niya naabotan si Gwen. May kausap ito sa telepono na parang pulis ang kinakausap nito. Matapos ibaba ni Gwen ang telepono, napansin siguro siya nito dahil agad itong nagsalita. "Kinuha niya ang pinakamahal na painting namin, but he left everything else. Siguro dahil maliit na halaga lang naman ang ibang kagamitan dito..Gusto mo bang magkape?" Though she spoke calmly, anger seethed through the words. Her rigid shoulders and sideway glances told him to keep his distance. "Hindi ako hihingi ng paumanhin sa paghalik ko sayo, Gwen." Namula bigla si Gwen sa pahayag niya. "Pero hindi ko ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako gusto. So I'm sorry for stepping out of the line." "Kung nabigyan man kita ng encouragement sa pagtugon ko sayo, then I am sorry." Pumunta na ito sa kusina at tinimplahan nga siya ng kape. "I have nothing to offer you." She held up the mug. "Other than coffee." Siya naman ngayon ay biglang napipi. "I like you, Russ. Hindi ko alam kung bakit. Pero hanggang don lang." "I think you have plenty to offer. You're smart and beautiful and I like being with you." "Pero bankaruta na ako ngayon." Napatawa lang siya. "Money comes and it goes. Didn't your dad ever tell you that the easiest thing in the world to get your hands on is money?" "Hindi totoo yan." sagot pa ni Gwen. Napatawa ulit siya, pero matalim siyang tinitigan ni Gwen kaya nanahimik na lamang siya. He rested his chin on his fist at pinagmamasdan niya ang kabuuan ng babae. Ang paghalik niya rito ay isang pagkakamali nga - hindi dahil sa may asawa na ito, pero dahil sa hindi niya nabigyan ng sapat na konsentrasyon ang paghalik niya rito. "For the first three years when I started my business I was so broke. Alam mo bang naranasan kung tumira sa basement ng bahay ng kaibigan ko. Naging delivery man nga ako eh, para lang magkaroon ako ng extra na kita. Mabuti nalang at hindi rin ako pinabayaan ng mommy ko. Now I gain six figures annually. But I'm the same person. Kaya ikaw kahit pa sa pinagdaanan mo ngayon, you're still the same person, too." Napakunot-noo si Gwen pero hindi pa rin ito nagkokomento. "Eto lang ang tandaan mo, Gwen. Nandito ako palagi para sayo." May nag-iisang luha na pumatak sa mga mata nito pero agad naman niya itong pinahiran. Gustohin man ni Russ na mayakap si Gwen o kahit mahawakan man lang, pero pinigil na lamang niya ang sarili. Dahil kahit baligtarin paman ang mundo, she was after all, a married woman. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD