Nagtipon ang pamilyang Del Valle sa main office ng hotel. Habang si Gwen naman ay nakamasid lang sa kanila.
Una niyang nakita si Alicia Del Valle na parang ito pa ang panganay sa apat na magkapatid at hindi mo talaga mahahalata na may apat na anak na ito. Nakatayo naman sa tabi nito ay si Russ na parang may dinaramdam. Napansin siguro ito ng ina kung kaya't hinawakan nito ang noo ng anak.
Nilapitan naman sila ni General at saka hinarap ang anak na lalaki. "Anong ginagawa mo sa honeymoon suite?" rinig niyang tanong sa ama ni Russ.
Si Rihana naman ay palipat-lipat ng tingin sa kapatid at ama. "Wala siyang lagnat at wala rin siyang concussion, Mom." sumbong pa ni Rihana.
"Eh hindi naman siya sa ulo may sugat ate, kundi sa puso." hirit pa ng isa nilang kapatid na si Rhea.
"Si kuya brokenhearted? Imposible yata..May Aida, Lorna at Fe kaya yan..Three in one kumbaga." dagdag pa sa bunso nilang si Rosela.
"Hindi lang yan, Rosela. Pinaasa rin kaya ni Russ ang kaibigan kong si Audrey. Remember? Muntik na ngang masira ang friendship namin dahil kay Russ."
In the middle of all this chaos, nanatili pa rin namang kalmado si Russ at hindi umiimik. But how this family functioned when everyone talked and nobody paid attention to the one who spoke?
In her family communication, kung and daddy niya ang magsasalita, makikinig muna sila ng kanyang ina.
Humakbang naman siya ng konti papalapit sa kinaroroonan ng mga ito, clearing her throat with a loud, "Ahem."
"Kung nakakakita ka nga ng di kilalang-tao sa 'maliwanag' na hallway, why can't you describe him?" pang i-interrogate ng ama nito.
"Pardon me, sir." sabat ni Gwen, pero parang hindi siya napansin na nagsasalita.
"Wala naman sigurong pumalo sayo. Might be you tripped and banged your head," saad pa ni Rihana. "This whole story is fishy. Come on, Russ. Tell us what really happened?"
Noticing a telephone directory atop the desk counter, Gwen picked it up. Sabi nila 'desperate times called for desperate measures' kaya iyon ang ginawa niya sa puntong iyon. Sadya niya talagang ibinagsak ng malakas sa sahig ang telephone directory na ikinalingon ng pamilyang Del Valle. Oo, nahiya man siya sa ginawa niya, pero iyon lamang ang naisip niyang paraan upang makasingit siya sa usapan ng pamilyang Del Valle.
"Pasensya na," She straightened her shoulders. "Sa tingin ko, nakidnap nga talaga ang asawa ko, and I appreciate very much the way everyone helped me search the grounds for him. As you all can see, he is definitely missing. Tatawag nalang siguro ako ng police."
Nagkatinginan naman ang tatlong babaeng kapatid ni Russ. Alice hurried forward and grasped Gwen's arm, urging her to sit. While Russ gave her a look of unmistakable approval.
"I agree that your husband is MIA (Missing in Action)." sabi ni General. "Pero hindi ako naniniwala na kinidnap siya. Wala rin kasi pati ang sasakyan niya. That suggests he is AWOL."
"Ano ba yang mga acronym mo, honey. Lalo mo lang nililito si Gwen." saad pa ng ina ni Russ.
Pero naintindihan naman ni Gwen si General. Kung ang iba kasi ang magsasabi, for sure maniniwala silang si Kenny nga ang kusang umalis. "But my car is missing, too." Ang ipinagtataka lang ni Gwen kung bakit pati ang bagong bili niya na BMW na kotse ay nawawala rin, leaving her stranded. "If my husband left of his own volition, hindi niya pwedeng dalhin ang dalawang kotse."
"Mas mabuti pang tumawag nalang tayo ng pulis, General." biglang sambit ni Russ. "Para sila na po ang bahalang mag-imbestiga."
"Hindi pa kita pinayagang magsalita."
Russ half rose from the chair. Muscles tightened in his jaw. Kinuyom naman ni General ang kanyang mga kamao. Parang tumaas yata ang tensyon sa pagitan ng mag-ama, at natatakot siyang baka tuloyang magsuntokan ang dalawa.
Tumingin si Russ sa kanya, saka ito bumalik sa pag-upo. Samantalang mukhang dismayado naman ang General na hindi siya nilabanan ni Russ.
"Logistically, given the scenario you present, Mrs. Andales, I do not see how it is possible for kidnappers to have accomplished their mission."
"Tatawag na po ba tayo ng pulis, Daddy?" Rihana is going to pick up the telephone. "Masyado kasing misteryoso ang kasong ito, Dad. Tama si Russ, ang pulis na po ang bahalang mag-imbestiga." tas binigyan nito ng matalim na titig si Russ. "Siguradohin mong malinis mo ang pangalan mo, Russ."
Hinawakan naman ni Alice Del Valle ang kamay ni Gwen. "Come to my office dear, at doon tayo mag-usap. I have a couch there. So you can put your feet up. Magpadala nalang tayo ng kape ni Rosela doon." malumanay na wika ng ginang sa kanya.
Numbly, she allowed Alice Del Valle to escort her out of the business office, down the hall to the small office where Alice organized receptions, parties and conferences for the resort guests.
"Pag pasensyahan mo nalang ang pamilya ko mydear." Anang ginang. "Despite the General's insistence on strict discipline, my children tend to be willful." anito na parang proud na proud pa rin sa mga anak.
"Lahat lang po sa kanila ay...energetic." aniya habang pinaupo siya ng ginang sa love seat.
Bigla namang pumasok si Russel sa office ng kanyang ina at tinabihan siya nito sa pag-upo. "Hindi ko akalaing marunong ka pala sa crowd control. I'm impressed."
"Russ darling, perhaps you should leave Mrs. Andales alone."
"Mom, kailangan ako ni Gwen."
She did need him and that was the reason enough to keep as far away from him as possible. She'd come within seconds of committing adultery with him - intentional or not. Having him so near now reminded her of caressing his body and kissing him, and of the fun they'd had last week. The walks in the forest, the countless times he'd reduced her to helpless laughter with his silly jokes..and how gazing into his eyes made her soul sing, as if with bells. Kung kusa ngang umalis si Kenny, marahil alam na nito ang atraksyon niya kay Russ.
But still, hindi pa rin niya masabi-sabi kay Russ na lubayan siya nito.
Sumunod namang pumasok sa office ng ginang ay si Rosela. "Mom, gusto kang makausap ni General. Nandoon po siya ngayon sa kitchen."
May pahiwatig namang tiningnan ni Alice Del Valle ang anak nitong si Russ bago pa ito sumama palabas ni Rosela.
"How are you doing?" Russ asked quietly at hinawakan ang kaliwang kamay niya.
Na di-distract naman siya sa pahawak-hawak effect ni Russ. "Natatakot ako. Baka kinidnap nga talaga siya dahil wala namang ibang rason."
"Kung kinidnap nga siya, bakit wala namang tumatawag na humingi ng ransom?"
Napapailing lang si Gwen. "Hindi ko alam." at pinikit niya ang mga mata. "Hindi ko alam. Hindi ko rin ganon kakilala ang pagkatao niya."
"Short engagement, huh?"
Binawi na niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Russ. "Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Basta ko nalang natagpuan ang sarili ko na inlove na ako kay Kenny. But I took every precaution, kaya nga sinusunod ko pa rin ang mga payo ng family attorney namin."
"Mga payo tungkol saan?"
Tumingin siya sa may bintana. "I have to beware of predators. Palagi kasing pinaalala sakin ni Daddy na dahil tagapagmana daw ako, kahit maganda ako o hindi, marami pa ring lalaki ang mag take advantage sakin."
He leaned close, his breathing deep and even, until her awareness of him made her turn her head.
"You're beautiful, Gwen. Inside and out, at iyan ang mga katangian ng--"
"Hindi ito oras ng pagbobolahan, Russ." putol nito sa sasabihin pa ng lalaki. His words were sweet, pero alam niyang tipikal na bolero ang lalaki.
Napahawak na lamang si Russ sa kanyang batok. "Subokan mo kayang tawagan si Ken."
"Ayaw kasi niyang ako ang tumawag sa kanya. Kung nasa bahay lang siya, ibig sabihin galit siya sa akin. Tatawag ka pa rin ba? Mas kilala mo siya kaysa sakin, Russ."
He slid his hands off his nape. "Hindi ko siya ganon kakilala."
"Pero mag bestfriend na kayo simula pa nong highschool, di ba?"
His expression turned incredulous. "I met him ten months ago, sa isang party."
"Pero naalala kong sinabi niya na mag bestfriend na kayo simula pa nong high school." Naalala rin niyang sinabi ni Kenny na bestfriend nito ang nagmamay-ari ng Del Valle Hotel and Resort. Tuloy nalilito na siya, dahilan sa biglang pagsakit ng kanyang ulo. "Wala naman siyang rason na magsinungaling."
"Neither do I." saad pa ni Russ.
"So bakit ikaw ang best man niya sa kasal namin?"
"Dahil naawa ako sa kanya. Pinakiusapan kasi niya ako." ani Russ na ikinabigla niya. "He gave me a sob story about his brother dying. Na wala na daw siyang ibang pamilya simula ng mamatay ang kapatid niya, at kung maari daw ako nalang ang best man niya."
Uncertain what to believe, kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at ini-scroll ang numero ni Kenny. "I'm sorry Russ, but this doesn't make any sense. Sinabi niya sakin na kaya daw dito gaganapin ang wedding namin dahil pagmamay-ari mo ang hotel and it was a favor to you. At ngayon sasabihin mo na hindi mo siya ganon kakilala."
"I'm starting to believe Ken likes to play games with the truth." sagot nito.
"Asawa ko na siya, at mahal ko siya. Naniniwala akong hindi siya nagsisinungaling." nanikip tuloy ang dibdib niya sa mga sinabi ni Russ laban kay Kenny.
"At sa tingin mo ako ang nagsisinungaling? The only connection I have to the hotel is that my family owns it. Nalaman ni Kenny ang tungkol sa hotel namin a few weeks ago lang, nang mabanggit ko sa kanya na magbabakasyon ako sa hotel namin. Then he got all excited and wanted to have the wedding here."
As the information sank in, napakuyom si Gwen sa kanyang kamao. Nang mag proposed kasi sa kanya si Kenny, sabi nito na gusto raw nito ang month of September or October ang kanilang wedding date. Kaya kahit labag man ang daddy niya sa madaliang pagpapakasal nila ni Kenny ay sinuway niya pa rin ito dahil nga mahal na mahal niya ang lalaki. A week ago lang din sinabi ni Kenny na sa ibang hotel na gaganapin ang wedding nila dahil ito ay isang alok o hininging pabor ng kanyang bestfriend.
Bigla namang inagaw ni Ross ang kanyang cellphone.
"Ako na ang tatawag sa kanya."
Wala na siyang nagawa dahil na kay Russ na ang cellphone niya. She just stared at his phone while Russ made the call.
"Cannot be reached." anito na napapailing.
"Siguro may rason lang siya kaya siya biglang umalis."
"Sinabi mo eh." sarkastikong saad nito.
"Hindi niya ako iiwan. Hindi niya gagawin yon. Bagong kasal pa lang kami."
Russ sat on his mother's chair and lifted his feet to the desk, at napatingin ito sa kawalan. "Malalaman rin natin yan sa imbestigasyon ng pulis."
*****