Miras' POV Lumipas pa ang dalawang araw ay tiniis talaga ni Kyle na walang mangyari sa amin. Masaya lang siya sa simpling halik at yakap. Hinayaan din niya akong matulog ng dalawang araw sa bahay namin. Habang siya'y naging abala sa Hotels and Malls. Hindi ko na rin siya inabala pa. At gayon din siya. Pero maya't maya naman ang tawag niya sa akin. Sa Penthouse daw niya siya natutulog. Tiniis daw niyang hindi ako makasama ng dalawang araw dahil lang may utang naman daw ako sa kanya na kailangan kong bayaran. Habang tumatagal ay lalong nadadagdagan ito. Kaya mas mabuting matuloy na lang ang sinasabi niyang honeymoon namin. Baka pag pinatagal ko pa kasi'y hindi ko na kayang bayaran pa ito. "Mag-iingat kayo mga anak and enjoy." Ani ni mommy Catherine sabay halik kay Kyle. At yakap naman

