Mira "Congratulations, Arriane." Bukambibig ng mga nakakasalubong ko. Back to school na kasi kaya narito kami ni Callie sa lobby. Ten am ang first subject ko kaya hindi ako naihatid ni Kyle. Mas maaga siyang umalis. Isa pa gusto ko rin muna umiwas. Ayaw kong mapag-usapan. Plano kong pagka-graduate ko nalang namin i-announce ni Kyle na nagpakasal na kami. Kaya nagtataka ako ngayon kong bakit panay ang congratulate nila sa akin. "Callie, alam kaya nila na kasal na kami ni Kyle?" Bulong ko sa kaibigan ko. "I don't know. But I think I already know the answer." Nagmadali si Callie lumapit sa bulletin board at kumuha ng news article sa school. Binasa niya ito habang kunot ang noo at maya-maya'y inabot niya sa akin. "See? It's Confirmed that is why they all knew." "But how?!" Napa-isip tuloy

