“Nica..” mula sa pagtingin sa papalubog na araw ay naagaw ng atensyon ko ang pagtawag sa'kin ni Lucas. Saktong paglingon ko sa kanya ay nahuli kong nakatitig siya sa'kin. Na-conscious tuloy ako bigla. Napapangitan pa rin ba siya sakin? Binura ko na kanina ‘yung make up ah. “B-Bakit?” hindi ko maiwasang mautal. Masyado kasing nakakalusaw ang mga tingin niya. Katatapos lang ng date namin, dinala niya ako sa amusement park at sobrang saya kasama siya! Hihi. One of the best day of my life. Halos sakyan na namin lahat ng rides at ipinanalo pa niya ako ng teddy bear. Yiee! Keleg much. “Nag-enjoy ka ba?” Nakaupo kami sa hood ng kotse niya habang pinagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw. Dito niya ako dinala pagkatapos ng date namin, ngayon ko nga lang nalaman na may ganitong lugar pala d

