Yuka's POV "Ugh.. " kanina pa 'ko hindi mapakali dito sa higaan ko. Harap dito harap sa kabila. Makatayo na nga! I checked my phone for the 50th times. Negative. Wala pa rin ni-isang text mula sa kanya. Sumasakit lalo ulo ko 'pag naaalala ko ang nangyari kanina. Flashback Nagpanic ako agad nang makita ni Daryl ang pasa ko sa kamay. Naku naman! Akala ko kasi okay ng 'wag lagyan ng concealer ang may parte ng braso ko since matatakpan naman ito ng long sleeves na suot ko. Kung nakakatunaw lang mga titig nya siguro kanina pa 'ko walang kamay. Hindi sya nagsasalita. Basta yung mga mata nya na kulang na lang umapoy ay permanenteng nakatitig sa pasang nahagip nya. "Kelan pa?" seryosong tanong nya. Pero hindi nya ako tinitignan. "......." "Kelan pa nagsimula ang p*******t nang mangkukulam

