Klaire's POV. Iyak ako ng iyak. Halos gusto ko ng iuntog ang sarili ko. I punched the wall sa loob ng kwarto namin. Sunod sunod. Pakiramdam ko ang manhid ng katawan ko at tanging puso ko lang ang nasasaktan. "Gago ka! Ayan ka na naman! Iiwan mo na naman ako dahil sa kanya! Bakit ba bumalik ka pa?" sabi ko habang patuloy na sinusuntok ang pader. Iyak ako ng iyak. "Sasaktan mo na naman ako, ngayon pang alam ko na sa sarili kong mahal na mahal pa rin kita! Waaaaaaaaaaaaaaaaaa" nagsisigaw na ko habang sinuntok ng pagkalakas lakas ang pader. Napahinto na lang ako ng makita kong dumadaloy na ang dugo ko sa pader. Nakakatawa, alam kong may sugat ako pero wala akong nararamdaman. Napatingin ako sa orasan. It's past 8pm. Pero wala pa din sya. So mas pinili nya si Ashley? Mahal na mahal nya ba

