Klaire's POV.
"Tara na?" pagtawag sakin ni Dwayne. Nakita kong kinaladkad nya na ang maleta ko. Sumunod naman ako sa kanya.
Maya maya ay lumipad na ang eroplano. Di kami masyadong nag uusap ni Dwayne mukha nga kaming di mag asawa, mukhang nagkatabi lang. Ewan ko bakit ganito kami, Bakit nag iiwasan kami? Naging awkward ulit ang lahat, siguro dahil dun sa halik na yun. Hay naku naman. Kinabit ko ang earphones ko at plinay ang nasa shuffle list ko. Natuwa ako sa unang tumugtog which is When I look at you ni Miley Cyrus.
Nakatingin lang ako sa labas kahit madilim na nakikita ko pa din ang mga clouds.
Maya maya tumingin ako kay Dwayne. Nakita kong naka earphone din ito pero tinanggal nya.
Nakita kong may papalapit na stewardess. Tamang tama! Papakuha ako ng Juice dahil medyo nauuhaw na ko.
Pero nakita kong lumapit sya kay Dwayne at medyo nag bow sya. Nagulat ako ng halos lumuwa na sa harapan namin yung ano, yung, yung - yung mountains nya! Omo! Jusko! Kitang kita ang cleavage nya.
Nakakainis gusto kong hulugan ng limang piso baka sakaling maging Jukebox. Tsk ano ba yan naaasiwa ako.
Tumingin ako kay Dwayne. Sasakalin ko to! Titig na titig sya dun. Lalaki nga naman! Silicon lang yan if I know, mas gifted ako! Naku ano ba tong sinasabi ko? Kinukumpara ko na ang sarili ko sa haliparot na ito.
"Sir" sabi nito sa malanding boses. Nakakainis! Ano ba yan? Tumagilid na lang ako para di ko makita. Naninikip ang dibdib ko.
"Do you need anything sir" rinig kong sabi nito. Naiinis na talaga ako kaya humarap na ko. Nakita kong naka seductive smile ito sa asawa ko. Omo! Pero OO tama! ASAWA KO SYA diba? Kakakasal lang namin. Nakalimutan nya ba? Aawayin ko na talaga to.
"Miss pahinging juice" Hays bakit yun lang ang nasabi ko. Ano ba yan!
Tumingin sya sakin sabay smirk "You see ma'am, I'm still kinda busy attending the needs of this handsome passenger, I'll get you one later" sabi nito sakin sabay balik ng tingin kay Dwayne. Hahawakan sana nito ang tungki ng ilong ni Dwayne ng magulat ako ng pigilin nito ang kamay ng babae.
"Bakit sir? Nakikiliti ka ba?" tanong nito habang nakangiti pa.
"Please wag mong ipakita sakin yang puro silicon mong cleavage. Unang una wag kang papansin sakin, Don't flirt with me because" Nagulat ako nga hawakan nya ang kamay ko, showing our wedding rings na suot namin pareho. "I'm with my wife, And you are way too low compared to her"
Alam mo yung feeling na ayan na naman ang mga ipis, daga o gagamba sa tiyan ko. Naramdaman kong nag iinit na din ang mukha ko. Bakit ako kinikilig? Mygod!
Nakita kong nag crossed arms yung stewardess at nag taas ng kilay.
"Eh mas maganda ako dyan! Tsk ang panget nya naman" sabi nito.
Aba! Aba! Below the belt na yung sinasabi nya kaya napatayo ako at nung tumayo ako ay nagsitinginan na ang ibang passenger samin.
"What did you just said?" sabi ko sabay handa ng kamao ko. Hello black belter po ako.
Siguro may nag report kaya nakita ko sa peripheral view ko na palapit ang isang stewardess sa amin. Mukhang head nila ito.
"What's the commotion here?!" galit nitong tanong di pa nya ko nakikita kase nasa gitna sya at nakatingin dun sa malanding stewardess.
"Ma'am. Uhm" nauutal si malandi.
"At sinong pasahero ang kaaway mo?" umikot na ito para humarap sakin at halos malaglag ang panga nya. "M-Ma'am Klaire"
"Normal passenger lang sya ma'am. Don't feel too sorry dahil sya naman po ang nagsimula" sabi ni malandi
"Shut up! Ma'am, sorry po! Hindi po ako na inform na on board po kayo" sabi nung head.
Nag smirk ako. This girl knows who the heck I am. Tinuro ko yung malanding flight attendant na yun. "Her? Do she know who the hell I am?!" sigaw ko.
Natatarantang pumihit paharap yung head kay Malandi.
"Mika! Do you know who did you just disrespect?!" sigaw nito.
Taimtim lang tong nakatingin na para bang normal na pasahero lang ako. "She is no other than Ms, Uhm no. Mrs. Klaire Louise Lim-Cruz! The young mistress of Lim-Cruz companies na may ari ng Skyygate! Her family is the one who is paying us!" nakita kong nagulat ito sa sinabi nung head.
And the next thing I knew is halos lumuhod sya sakin para mapatawad ko sya,. Balak ko sanang tanggalin talaga sya but I just gave her a suspension for 2weeks. Hays! I am being too nice!
Several hours later ay lumapag na din kami sa airport ng France.
Nagulat kami nung may nag aabang na pala samin. Napag alaman kong staff pala sila ng hotel ni Kuya Marvin.
Sumakay kami sa kotse at nagpunta na sa hotel hanggang sa room ay inihatid pa kami.
Gosh. I was expecting two rooms. I totally forgot na kasal na kami at they are pushing us to fall inlove again at ngayon isa ito sa mga way nila, ang pagsamahin kami sa iisang kwarto. Worst! Sa isang kama!
Nagtanong ako if pwede akong kumuha ng other room. Pero hala! parang nangyayari sa teleserye, wala ng available room dahil peak season daw! Tsk sabi ko kahit sa ibang hotel.
Pero mygosh! Magaling talaga sila! Mahigpit pala nilang ipinagbawal na hindi pwedeng lumipat ng hotel or room or else ika cut ang lahat ng source of income namin.
Pumasok na kami sa kwarto
Pinainom pa kami ng tsaa na agad agad naman naming ininom dahil nadin siguro sa pagod ay nauhaw kami.
At halos gustuhin kong isuka ang ininom ko ng mabasa kong TONIC pala to para sa alam nyo na! Sila talaga! Bakit ba gusto nilang magka apo agad?!
Iniwan na nila kami at agad agad akong humiga sa kama. Pagod na ko.
Pero nagulat ako ng tumabi si Dwayne. Tumagilid ako at sabay kaming tumagalid pala. Nagtama ang mga mata namin sa isa't isa.
Natitigan ko sya mula mata papuntang ilong, papunta sa mapupula nyang labi. OMO! Nagiging manyak ako! Sabay kaming napabangon.
Pinagpag ko ang damit ko
"Ang init naman!" sabi ko. Bakit ganun ang init ng pakiramdam ko. "Maliligo ako" sabi ko sabay tayo.
"Oo nga biglang uminit. Baka sira yung aircon" sabi nito sabay check sa aircon. "Okay naman" bumaba sya. "Maliligo ako, ako muna" sabi nya.
Sabay takbo papuntang banyo kaya tumakbo na din ako. Nagkasabay kami sa paghawak sa doorknob and for I don't know reason ay para akong nakuryente. Parang ganun din sya. Omo! Ayan na naman! Umiinit na naman ang panahon. Nasa Sahara desert ba kami? Why am I feeling this?
And before I knew papalapit na pala ng papalapit ang mukha nya sakin
Why do I feel attracted? Gustuhin ko mang umiwas pero why on earth I want to kiss him?! Why do I badly want it?! Ano ba to? Kailangan kong umiwas.
Papikit na sana ako ng mata ng biglang bumukas ang banyo at pumasok sya.
Omo! Did I assume he's going to kiss me? Ang bobo ko naman! Napatapik ako sa ulo ko. Naku naman! What is happening to you Klaire?
------------