(TEMPARA'S POV) HABANG nasa silid na ito ay hindi ako mapakali, hindi ko alam kung tatayo o hihiga ba ako? Nag-iisip kasi ako kung ano’ng susuotin ko ngayon araw. Tiyak na magagalit na naman sa akin ang kakambal ni Ms. Kricel oras na makita niya ang suot ko. Bakit ba hindi ko man lang naisip na pupunta ako sa ibang lugar. Marahas ba lamang akong napahinga ng malalim. Mayamaya pa’y may narinig akong mga katok sa pinto ng silid ko. Agad ko itong binuksan at nakita ko si Miss Vina na kakambal din ni Ms. Kricel. May inabot ito sa akin at ‘yun daw ang suotin ko. Nabanggit din sa akin ni Ms Vina na bukas na lang daw kami pupunta sa ilog. Dahil sa ibaba ng bundok kami pupunta kasama sina Akiro at Sir Fedelo. Magalang naman akong nagpaalam kay Ms. Vina para magpalit ng damit. Isang mahabang

