Bigla akong napaurong nang makita ko na humakbang si Zerto papalapit sa akin. Sobrang dilim din ng mukha nito. Ngunit sa patuloy kong pag-urong ay bumangga ako sa gilid ng kama. Mas nagulat ako nang basta na lang niya akong itinutok dahilan kaya tuloy-tuloy akong bumagsak sa kama. Balak ko sanang bumangon upang tadyan ang lalaki. Ngunit mabilis na pumaibabaw sa akin si Delgado. Mariin niyang hinalikan ang aking labi at gigil na gigil nitong kinagat din. Agad kong inangat ang aking kamay upang itulak ito. Ngunit mahigpit lamang nito kinapitan ang dalawang pulsuhan ko. Huminto rin ito sa pag-angkin sa aking labi. Subalit naramdaman kong gumapang ang mainit na dila nito sa aking punong tainga. “Tingin mo ba ay ganoon-ganoon na lamang ako papayag na maghiwalay tayo, ha?. Kaya kitang ital

