Umismid lamang ako sa sinabi ni Zerto pero hindi ako nasindak dito. Medyo lumayo pa ako sa lalaki upang hindi na talaga magdikit ang katawan namin dahil nasusura ako rito. Ngunit maluko si Delgado, dahil nadama kong kinuha nito ang dalawang unan at basta lang ipinagbabato kung saan. Pagkatapos ay agad akong hinila papalapit sa kanyang tabi. Agad kong tinabig ang kamay ng lalaki. Ngunit ayaw talaga nitong magpaawat. Para itong ipo-ipo sa bilis dahil agad na itong nakapatong sa ibabaw ko. Balak ko na sanang umiwas ng tingin sa lalaki ngunit mabilis nitong hinawakan ang aking panga. Nang tuluyang magpantay ang mga mata naman ay isang matalim na irap ang binigay ko sa lalaki. Ngunit tumawa lamang ito sa akin at talagang inaasar ako ng magaling na lalaking ito. Ang sarap lamasin ng bayag.

