Hanggang sa mapatingin ako sa ibang mga text ni Daddy kay Romos Jad. Talagang halos isumpa nito si Romos Jad. May isang text lamang ang lalaki. Kaya agad kong binasa. “Ganoon talaga ang buhay, P're, may mangloloko at may nagpapaloko. Nagpaloko ka sa akin, kaya hindi ko na kasalanan ‘yun. Saka, kung tutuusin ay akin sana ang ‘yung asawa kung hindi ka lang naging epal. Ang tagal kong niligawan ang asawa mo ngunit dahil sa ‘yo kaya hindi nangyari ang gusto ko. Kaya bawi-bawi na lamang, gago ka kasi!” malakas na pagkakabasa ko sa text ni Romos Jad. Halos dalawang taon na ang text nito kay Dad at ganoon din ang galit na text ni Daddy sa lalaki. Sino si Romos Jad? Napaisip tuloy ako ng malalim. Baka si Manang Anetal may alam ito kung sino si Romos Jad? Ngunit bago ko itago ang cellphone na

