(CONGRESSMAN CRABE POV) HANGGANG sa muli kong inutos na kuhanin ang matandang babae para ilabas ng hotel na ito dahil nagugulo ang aking party. Ngunit mabilis na tumayo ang matandan babae. Pero bigla itong ngumisi sa akin ng mala-demonyo. “Huwag ninyong akong hahawakan dahil nakakadiri ang mga kamay ninyo!” sigaw ng matanda. Ngunit bago umalis ay kumindat pa ito sa akin na kinakunot ng aking noo. “Hindi ka na sisikatan ng araw, Congressman Crabe Clege…!” bulong pa ng matandang babae sa akin habang nakangisi ito. Pagkatapos ay tuluyan na nitong naglakad. Ngunit kumuha pa ito ng bote ng alak na ibabaw ng lamesa at tuloy-tuloy nitong nilagok na parang tubig lamang. Iiling-iling na lamang ako sa aking nakikita mula sa matandang babae na ‘yun. Agad naman akong humingi ng pasensya sa mga tao

