(TEMPARA’S POV) Kakamot-kamot ako sa aking ulo habang nakatingin sa dalawang kambal na ngayon ay papasok sa loob ng bahay. Marahas na lamang akong napahinga ng malalim. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Naisip ko rin na baka may problema si Ms. Kricel kaya ramdam kong malungkot siya. Kahit gustuhin ko mang magtanong ay labis akong nahihiya. Baka isipin nito nangingialam ako sa kanya. Muli na naman akong napabuga sa hangin. “Ano’ng ginagawa mo rito sa labas ng bahay? Huwag mong sabihin na pinag-initan ka naman ni Fedelo?” Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Akiro. Tumabi rin ito sa akin na kung saan ako nakaupo ngayon. “Simula nang dumating ako rito sa tribo ay palagi namang galit ‘yun sa akin. Saka, sanay na ako roon. Teka may sigarilyo ka ba riyan?” tan

