(TEMPARA’S POV) KAHIT nag-iingayan ay tiniis ko na lamang ‘yun. NGUNIT pakiwari ko’y babalik yata ang aking sakit. Ang sakit sa tainga ng malakas na pagpapatugtog ng pasaway na lalaking ‘yun. Isabay pa ang tambol na sobrang lakas. Nang mailagay ko sa isang tray ang meryenda ni Sir Fedelo ay agad ko itong dinala sa loob ng silid na kung saan naroon si Sir Fedelo. Inis na inis ako habang papasok sa loob. Nakita ko naman agad ang lalaki. Panay ang tambol nito at parang gigil na gigil ito at kulang na lang ay mabasag ang tambol. Iiling-iling na lamang ako na binaba ko ang tray sa ibabaw ng table sa tabi nito. Hindi naman ako pinansin ng lalaki. Nagmamadali akong umalis sa kwarto. Isinara ko rin ang pinto upang hindi masyadong marinig ang malakas na tugtog na ‘yun. Nagmamadali akong lumap

