6. She's Tensed

2595 Words
Selena's POV "Ano ba ate ba't ang likot mo?" "Kailangan pa ba 'yan?" "Oo, para mas lumiit ang bewang mo." "Maliit na bewang ko." "Paliitin pa natin lalo." "Ano ba, Celestine!" "Ah basta, stay put ka nga lang diyan, wag kang malikot para matapos kaagad 'to." I rolled my eyes as a sign of defeat. Salubong ang dalawa kong kilay habang nakatayo sa full body mirror dito sa loob ng guest room ng bagong bahay nina Sasha at Denver. Nilalagyan ako ng corset ni Tine para daw magkasya yung gown na susuotin ko sa akin atsaka mas lumiit ang bewang ko lalo. "Wag mo masaydong higpitan, baka hindi ako makahinga pagkatapos kong kumain mamaya." Tumawa ang kakambal ko atsaka tumango bilang pagtugon. "Mom! Tway and Middy are running downstairs." Napalingon ako sa magandang batang babae na biglang pumasok dito sa loob. Awtomatiko akong napangiti atsaka iniabot ang aking kamay sa kanya upang lumapit siya sa akin. "Just let your brothers do what they want, Xeya," sabi ko sa kanya. "But Aunt Selena--" "Shh! Halika, ayusin natin 'yang buhok mo." Xeya pouted and walk in front of me before letting me do her hair. Sakto namang natapos na si Celestine pagkatapos ko ring ayusan ang buhok ng aking pamangkin. I'm all set, except for wearing the gown. Kaagad na ibinigay ni Celestine sa akin ang gown atsaka tinulungan akong suotin ito. Pumasok sina Ate Danica, atsaka ang kaibigan ni Sasha na si Nicole bago sila sabay na napatingin sa direksyon ko. "Selena, you look so beautiful!" "Ganda mo girl." Napangiti ako sa sinabi niya atsaka nagpasalamat. Tinignan ko naman ang aking kabuoan sa harap ng salamin atsaka inayos ang aking kulot na buhok. Mas lalo itong umiksi dahil sa kinulot ito ng hairdresser kanina pero sobrang ganda ne'to tignan lalo na't suot ko na ang gown. It's a heart-shaped tube gown with mesh off-shoulder puffy sleeves that reaches down my wrist. Naka-expose ang aking balikat at collarbone at may slit ito hanggang sa gitna ng aking hita. Lahat ng mga gown namin ay may slit, pero ang pinagkaiba lang ng gown ko mula sa mga bridesmaid ay itong mesh puffy sleeves ko. May strap ang gown nila at walang sleeves. Hindi rin kami nagtagal dito sa loob matapos kaming kunan ng litrato ni Danica, ang nag-iisang kapatid na babae ni Denver. She's holding her film camera before taking a groufie with us and then stormed out of the room. Pagkababa namin, bumama na rin yung bride na si Sasha. Her morena skin complements the white gown that she's wearing. Nagpictorial ulit kami at kinunan kami ng ilang mga litrato ng photographer bago umalis. Habang nasa biyahe, nakaharap lang ako sa aking cellphone atsaka tinetext ang kaibigan kong si Nami. Kinakamusta niya ako ngayon at tinatanong kung ano ang suot ko, basta ang dami pa niyang naging tanong. Nang makarating na kami sa mismong simbahan, kaagad kaming pumuwesto sa labas atsaka naghintay kung kailan kami magsisimulang maglakad sa loob. Hindi nagtagal ay isa-isa na nga kaming naglakad sa mahabang red carpet dito sa loob ng simbahan. Rinig na rinig namin ang tunog ng violin habang naglalakad kami atsaka pumunta sa aming pwesto. Nang maglakad na rin ang bride, lahat kami ay nakatingin sa kanya na may ngiti sa labi hanggang sa maabot niya ang dulo. I took her flowers as she handed them to me before taking Denver's hand. Nang magsimula na ang seremonya, lahat ay tahimik at nakikinig lang sa pari habang nagsasalita ito. "And now, I pronounced you husband and wife. You may now kiss your bride." Lahat kami ay nagpalakpakan nang halikan ni Denver si Sasha sa harap ng altar. We took some photos again together with the newlyweds before leaving the church and proceeds to the reception venue. Nasa likuran lang ako palagi ni Sasha at inaayos ang gown at veil niya habang naglalakad ito patungo sa sasakyan. Yuyuko sana ulit ako para hawakan ang veil ni Sasha nang may isa ng kamay ang umayos non. Sa paglingon ko, napatingin ako sa lalakeng kanina ko pa iniiwasan sa simula pa lang ng seremonya. "Anong ginagawa mo?" I asked with a hint of confusion in my voice. "Fixing the bride's veil?" Pilosopong sambit niya. "Maid of honor ka ba?" Taas-kilay kong tanong sa kanya. "Obviously, not but I'm just lending a hand." "Hindi ko kailangan ng tulong. Mas mabuti pang asikasuhin mo yung groom," wika ko sa kanya atsaka naglakad ulit papalabas ng simbahan. Ngayon ko lang napansin na kaming dalawa na lang ni Dominique ang andito pa rin sa loob. "My brother doesn't need assistance." "Kahit na." Tipid kong sagot atsaka nauna nang naglakad sa labas at iniwan siya sa loob. Sumama ako kina Celestine atsaka namin sabay na tinanaw sina Sasha at Denver na tuluyan ng umalis. Sa pagtalikod namin ay isa-isa na kaming pumunta sa malakin van kung saan kami sumakay kanina. Napahinto ako sa pagpasok sa loob nang makita ko ang kamay ni Celestine na nakaharang sa aking harapan. "Ano na naman ba ang problema, Tine?" "Ate, puno na ang van. Sumakay ka na lang sa ibang kotse." Natigilan ako sa sinabi niya atsaka kunot noong tinignan ang loob ng van. Bakit napuno 'to kaagad? Kasyang-kasya naman kami kanina ah. Nakita ko ang ilang photographers sa likod ng van at ang mga gamit nila dahilan upang tignan ko ulit ang aking kakambal. Isang nakakalokang tingin ang ibinigay niya sa'kin sabay ininguso ang bagay na nasa aking likuran. Napalingon ako roon at nakita ko si Dominique na pasakay na sa kanyang kotse. Ang kotse na lang niya ang natitira rito at ang van na balak ko sanang sakyan ngayon. "Sumakay ka na lang sa kotse ni Dom, ate--" "Ayoko. Tumabi ka nga, maliit naman ako kaya magkakasya pa ako diyan sa loob." Napasinghap ako nang itulak ako ng bahagya ni Celestine kaya gulat ko itong tinignan. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa demonyong nasa aking likuran. "Tine... Celestine, sinasabi ko sa'yo, hindi mo gugustohing magalit ako sa'yo--" "Dom! Dominique! Pwede bang makisakay si Selena sa'yo? Puno na kasi ang van!" Walangyang babaeng 'to! Sarap ipasok ulit sa uterus. "I'm doing you a favor so play it well, hmm?" Bulong niya sabay kindat sa akin atsaka tulak palayo. I was about to say something when she hurriedly shut the van door in front of me. "H-Hoy! Hoy, teka lang!" But then in just a blink of an eye, the van was now several meters away from the church. Napamura ako bago inis na pinadyak ang isa kong paa sa lupa. Bwiset na kapatid! Talagang iniwan ako rito sa simbahan! Parang walang pinagsamahan ah! Traydor! Tsaka anong pabor ang pinagsasabi niya? Hindi ito pabor! "Until when are you going to stand there?" Napaderetso ako ng tayo nang marinig ko ang boses niya dahilan upang lingunin ko siya kaagad na salubong ang dalawang kilay. "Umalis ka na, mag-tataxi ako." Tumalikod ulit ako atsaka nagumpisang maglakad papalayo sa lalakeng 'to. He's several steps away from me standing beside his obviously brand-new raptor. "I don't think that's a good idea." Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ulit ang boses niya. "I don't see you holding any cash to pay your fare." Napatingin ako sa aking kamay na ang tanging hawak lang ay isang bugkos ng mga bulaklak. Madiing akong napapikit atsaka napamura dahil nasa loob ng mismong van kanina ang maliit kong bag, andon din ang cellphone ko. Inis ko siyang nilingon na ngayon ay nakahalukipkip na at nakasandal sa kanyang malaking kotse. Bigla itong naglakad papunta sa passenger's seat atsaka binuksan ang pinto roon. He then gestured his hand inside his car while looking at me. "Pwede na ba tayong umalis? Nagugutom na ako," aniya. Inirapan ko siya bago naglakad papalapit sa kanyang direksyon. Kaagad akong nag-iwas ng tingin atsaka itinukod ang aking paa sa gilid habang nakahawak sa isang handle sa loob ng sasakyan bago tuluyan umupo roon. Dominique sudden reached the end of my dress and helped me put it inside his car pero kaagad kong tinabig ang kanyang kamay na medyo ikinagulat ne'to. "I just want to help--" "Hindi ko kailangan ng tulong." He shrugged his shoulders. "Okay." He then closes the car door beside me before taking his seat in the driver seat. Kaagad niyang binuksan ang makina ng kanyang kotse atsaka nagdrive paalis ng simbahan. Naging tahimik lang kami buong biyahe at wala ni isa ang may balak na magsalita. Mabuti naman kung ganon, dahil nagdudusa na ako rito sa aking kinauupuan. This is the closest distance I've ever done beside him, and you know what? It's suffocating. NAGSIMULA na ang kaunting palaro sa kasal ni Sasha at heto ako ngayon, nakatayo kasama ang ilang mga babae na single at gustong masalo ang bouquet ng bride. Napabuga ako ng hangin dahil si Celsetine ang humila sa akin para sumali sa larong 'to. Napatingin ako sa gilid at nakita ko sina Mama at Papa na malawak ang ngiti habang nakatingin sa akin. Napanguso ako nang magthumbs-up si Papa habang pumapalakpak naman si Mama nang makita nila akong nakatayo dito kasama ang ibang mga babae. Hindi naman siguro halata na parang gusto nila akong magkanobyo hindi ba? "Okay! Mag-uumpisa na tayo! Halata ang excitement sa mukha ng ating mga magagandang dilag na makuha ang bouquet ng bride ah!" Napabusangot ako sa sinabi ng host dito sa reception venue. Parang hindi niya ata ako nakita kaya masabi niya ang salitang 'yan. "Ate! Ano ba ang ginagawa mo? Wag kang tumunganga diyan sa likod!" Isang masamang tingin ang ibinigay ko kay Celestine nang sumigaw ito rito sa gilid ko. Hindi ko kailanman malilimutan ang pagtraydor na ginawa niya sa'kin kanina sa simbahan. Talagang sa harap pa ng sagradong lugar niya trinaydor ang kanyang sarili kapatid. Napakawalanghiya talaga. "Ewan ko sa'yo, ba't hindi na lang ikaw ang magpunta rito?" Tumawa ito sa sinabi ko. "Hindi na ako pwede diyan dahil kasal na ako. Tsaka mukhang mas kailangan mo 'yan," aniya atsaka tumawa ulit. Nakakainis! Hindi ko inaakalang maiinis ako ng ganito sa kakambal ko. "Hindi ko kailangan ng bulaklak para magkanobyo--!!" Natigilan ako bigla nang may isang bagay na tumama sa aking mukha dahilan upang mapapikit ako atsaka ito isinalo gamit ang aking dalawang kamay. It was my reflexes that did it. Dahil sa sobrang bilis ng pangyayari ay napakurap ako ng ilang beses bago tinignan ang bagay na tumama sa mukha ko kanina na ngayon ay hawak-hawak ko na. "And there you have it! Someone caught the bride's bouquet! O baka mas mabuting sabihin nating ang bulaklak mismo ang pumili sa kanya. What an interesting fate!" Napaawang ang aking bibig sa sinabi ng host at kasunod non ay ang palakpakan ng mga tao rito sa loob. T-Teka, anong... Teka lang! Ano ba ang nangyari?! Tsaka ano 'to?! Bakit nasa akin ang bulaklak?! Ayoko ne'to! "At ngayon naman, tignan natin kung sino ang makakakuha ng mahiwagang garter!" Kaagad na nagpalakpakan ang mga tao rito sa loob atsaka ako inescort ng isang lalake papunta sa harap at pinaupo sa isang silya. Kabado ako habang nakatingin sa grupo ng mga lalakeng nasa aking harapan at si Denver na may hawak na garter na kinuha niya kanina mula sa mismong hita ni Sasha. Napalunok ako nang may pinalabas na limbo rack at doon isinabit ang garter. Lahat ng mga lalake ay maglilimbo rack isa-isa, kung sino man ang huling matatanggal, siya ang makakakuha ng garter. The game suddenly started and all the single men who participated the specific game started taking their turns. Napalunok ako ng isa-isa ng natatanggal ang mga lalake hanggang sa dalawa na lang ang natitira. It was Dominique and Mckenzie. "Oops! May sudden changes tayo ngayon. Dahil dalawa na lang ang natitira, kailangan nilang takbuhin ang pinakadulo ng malaking function room na'to papunta sa ating lucky girl na may hawak-hawak na bouquet of flowers!" A-Ano raw?! Kailangan nilang pumunta sa akin?! "May the fastest man, wins!" Kaagad na naghiyawan ang mga tao rito sa loob habang ako naman ay hindi na mapakali sa aking kinauupuan. Pwede bang magbanyo saglit? Kaagad na tumunog ang buzzer kaya nag-uunahan na tumakbo sina Mckenzie at Dominique sa pinakadulo. Both of them are fast when it comes to running but when I saw Mckenzie looked at me, he flashed his smirked before stopping a few steps away from me making Dominique win the race. Kunot-noong tinignan ni Dominique ang pinsan niya sa likuran nang makapunta na ito sa aking gilid. What the hell was that for?! Anak ng, pinagtutulungan ba nila ako ngayon? Nakita kong nagthumbs-up si Celestine kay Mckenzie habang nakangiti. Bwiset ah! Planado nga ang lahat! "Hurray! Now we have the new pair for tonight!" Nagpalakpakan ang mga tao nang ibigay ni Denver ang garter sa kanyang kapatid habang nakangiti ng pilyo. Dominique took it while looking at the white laced garter before looking at me. "Aba-aba! Akalain mo nga naman oo! Ang best man at ang maid of honor pala ang pares natin ngayong gabi. What an interesting fate, indeed!" Kailan pa ba 'to matatapos? "The long wait is finally over! Now, Mr. Dominique, will you care to put the garter in Ms. Selena's thigh using your mouth?" Bigla akong natigilan sa sinabi ng host atsaka niya itinapat ang mikropono sa bibig ni Dominique. Dominique looked at me before answering. "Sure, why not?" Napuno ng hiyawan ang buong lugar at kitang-kita kong kinilig ang host habang nakatingin sa aming dalawa. "What about you, Ms. Selena? Are you willing to let Mr. Dominique put the garter in your thigh using his mouth?" Biglang uminit ang pisngi ko nang itapat niya sa akin ang mikropono. Mahigpit akong napahawak sa bouquet ng bulaklak na nasa ibabaw ng aking hita bago sumagot. "S-Siguro." Tangina, ba't ako nautal? "Okay! May permission na both party! Simulan na ang paglalagay ng garter!" At naghiyawan na naman sila ulit. Napalunok ako nang biglang lumuhod si Dominique sa harapan ko atsaka hinawakan ang aking isang binti bago pinasuot sa akin ang garter. He placed it above my knee while looking me in the eye. "Don't hit me, okay?" He said in a very calm voice before placing my leg above his knee. "B-Bilisan mo na lang para matapos na kaagad," sabi ko na halos ibulong ko na lang sa kanya. Mahigpit akong napahawak sa silya nang ilapit niya ang kanyang bibig sa garter na nasa binti ko atsaka ito kinagat. Tila may maliliit na boltahe akong naramdaman nang dumampi ang tungki ng kanyang ilong sa binti ko. His warm breath also touches my skin which made me swallow my own saliva. Mas lalong lumakas ang hiyawan dito sa loob nang nasa gitna na ng hita ko ang bibig ni Dominique. I felt his lips touching my thigh which made me gripped the bouquet of flowers. "Higher! Higher! Higher!" Pabulong akong napamura nang mas itinaas pa nga ni Dominique ang garter papunta sa pinakadulo na ata ng hita ko. Mahina akong napasinghap nang maramdaman kong mas uminit ang kanyang hininga. His lips and nose are now touching my inner thigh while his hand suddenly slipped up to my thigh before gripping it a little bit. Dominique suddenly stopped and faced me after successfully placing the garter in my upper thigh. Nagpalakpakan ang mga tao rito sa loob habang nanatiling nakaluhod parin sa akin si Dominique atsaka ako tinitigan bago magsalita. "You looked different when you're tensed." Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya lalo na't ngumiti ito sa akin. Ngunit may napansin ako bigla. Yung mga mata niya... Bigla na lang pumungay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD