Selena's POV Kaya pala pilit akong pinapabili ng bagong swimsuit ni Tine dahil may plano pala itong maligo kami sa isang bagong resort dito. At dahil maganda ang araw, naging maganda rin ang pagpunta namin dito. Maganda at sobrang linis ng buong resort dahil bagong bukas pa lang din. "Ate, ano na? Hindi ka ba maliligo?" Tanong sa akin ni Tine habang pinagmamasdan ko ang buong lugar. "Mamaya na lang siguro," sabi ko sa kanya atsaka ito nilingon na ngayon ay nasa kiddie pool kasama ang mga anak niya. Binabantayan niya si Xyra na nasa isang sobrang cute na baby floater, yung tipong ulo lang niya ang naka-ahon sa tubig. Sobrang cute ng pamangkin ko, ang tambok pa ng pisngi. "Xeya, wag masyadong malayo!" Sigaw ko nang mapansin itong lumalangoy na papalayo sa ina niya. She looked at me and

