Selena's POV Nakakapagtaka, bakit ako andito? Bakit ako dinala ng aking mga paa rito? Hindi ko naman kailangang sumunod sa sinabi niya sa akin kanina, kaya bakit ako nakatayo rito sa labas ng nag-iisang greenhouse sa Wilksven? Pinagmasdan ko ang kapaligiran at tulad ng dati ay walang ibang mga estudyanteng pumupunta rito. Nasa likod ng greenhouse ang abandonadong covered court na minsna ko na ring pinuntahan. Mahigpit akong napakapit sa strap ng aking bag habang katingin sa mga berdeng halaman na nasa loob. Napasinghap ako at napahakbang paatras nang may gumalaw sa likod ng mga halaman. Andito na kaya siya? "Susunod ka rin naman pala." I almost jumped when I heard someone talking behind me. Nagulat ako ng tumama ang aking katawan sa isang matigas na bagay dahilan upang mapalingon ka

