Dumating na ang araw na hinihintay ko. Ito na ang araw na aalis ako sa bahay kung saan ako lumaki. Mahirap man para sa akin, pero kailangan ko itong gawin upang makatulong sa aking pamilya. Napagdesisyunan kong tumigil muna sa pag-aaral; 2nd year student na sana ako sa kursong Hospitality Management dahil medyo magastos ang kursong ito sinabi ko muna kila mama at papa na titigil muna ako at mag iipon para matulungan sila.
"Ma, Pa, alis na po ako," sabi ko bago ako niyakap ng aking ina, at sumunod naman ang aking ama.
"Mag-iingat ka roon, at magdasal palagi," wika ng aking ina habang nakayakap pa rin.
Lumabas ako ng bahay nang hindi na lumilingon, dahil alam kong baka maiyak lang ako. Ngayon, nasa bus na ako papuntang Maynila. Makikitira muna ako sa isang kamag-anak namin doon at maghahanap agad ng trabaho kinabukasan.
Isa-isa akong nagpasa ng résumé sa lahat ng makikita kong may nakapaskil na hiring—sa fast food chain, cashier sa grocery, at pati sa karinderya ay pinasahan ko na rin. Pagtingin ko sa aking cellphone, nakita kong mag-a-alas tres na pala. Naisipan kong umupo muna sa isang upuan sa parke.
"Klea?" Napalingon ako sa tumawag. Si Ate Norlyn kapitbahay namin sa probinsya.
"Ano’ng ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Naghahanap ng trabaho, te. Ang hirap pala, haha," sagot ko.
"Ay, gusto mo bang mamasukan? Naghahanap daw ng bagong katulong yung isang bahay doon sa subdivision na pinapasukan ko. Siya lang naman mag-isa kaya isa lang ang kailangan."
Bigla akong nabuhayan at agad kong tinanggap ang alok.
Hinatid ako ni Ate Norlyn sa bahay na sinasabi niya. Napamangha ako sa laki at linis nito—parang hindi na kailangan ng katulong dahil napakaayos ng paligid, bulong ko sa sarili.
Nasa labas kami nang biglang lumabas ang isang lalaki, mga nasa edad 35 Gwapo, malinis manamit, at may ngiting nakakagaan ng loob.
“Siya na ba yung bagong papasok sa ’kin?” tanong niya habang nakangisi at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Medyo kinabahan ako, pero dahil sa kagwapuhan niya, agad din iyong nawala.
“Tara, pasok kayo,” sabi niya. Pagkatapos ng kaunting kwentuhan nila ni Ate Norlyn, nagdesisyon na itong umalis.
“My name is Russel Del Fuente. I’m a businessman. Don’t worry, mabait ako—bawal lang istorbohin kapag nagtatrabaho,” wika niya habang nakikipag-usap sa akin.
“A-ako po si Klea… bente uno anyos na po ako, sir,” sagot ko nang may kaba. Napatawa siya nang marinig ang boses kong nanginginig.
“Kinakabahan ka ba? Sabi ko naman sa’yo, mabait ako. Medyo makulit nga lang,” biro pa niya sabay kindat.
Ipinakita niya sa akin ang magiging kwarto ko. Maayos at malinis iyon.
“Asan po yung magiging uniform ko?” tanong ko. Kinuha niya ang dalawang paper bag sa gilid at inilabas ang tatlong set ng uniporme—black, red, at dark blue, pare-pareho ang disenyo.
Napakunot ang noo ko nang makita kong medyo maiksi ang palda, buti na lang makinis ang balat ko at malaki ang aking hita at pw**tan.
“You like it?” tanong niya na may ngiting hindi ko mabasa.
“I want you to wear that every day you work here,” seryoso niyang sabi.
“S-sige ho, sir,” sagot ko.
Pagkaalis niya sa kwarto, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman nag ijnit ang aking katawan. Naramdaman ko din na may parang tumulo sa aking ibaba Siguro dahil sa presensiya niya: matangkad, maayos ang pangangatawan, at may dating na mahirap ipaliwanag.