Unti-unting humina ang takbo ng sasakyan nang palapit na sila sa bahay ng mga Meduya. Lorenzo sighed oras na huminto iyon pagkatapos ay nilingon niya si Zoraida na patuloy pa rin sa pag-iyak. “I’m sorry,” puno ng pag-aalala at pagsisising ani niya pero hindi siya nilingon ni Zoraida at patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Tuluyan ng dumilim ang buong paligid at pasado na alas syete ng gabi. Sa mga puntong ito paniguradong nakauwi na ang mga Meduya kaya hindi na nagtaka pa si Zoraida ng maramdamang mag vibrate ang phone niya at makita si Dani na tumatawag. Hindi niya iyon sinagot bagaman ay tiningnan niya lang iyon at hinayaang matapos. “Hindi mo ba sasagutin?” Umiling siya. “Ayaw kong mag-alala sila sa akin.” sagot niya. Gumawa na lang siya ng mensahe na baka matatag

