Anong susuotin ko? Nilabas ko ang puting bestida sa aporador ko.
Teka? Bat ako magbibistida eh, hindi naman date yun? Lah.... Bat ko naisip yun? Napangiti ako. Teka bat ba ako nagiisip nang ganito? Baka sabihing ang ilusyunada ko. Ibinalik ko ang bestida sa loob at kumuha nang isang pantalon na kulay itim at T-shirt na kulay gray.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Kinuha ko yung suklay at mabuting sinuklay ang buhok ko. Teka bat parang ang concious ko naman sa sarili ko ngayon?
Ibinalik ko ang suklay sa lalagyan nito. Kailan pa ako naging concious sa pananamit at itsura ko? Umismid ako.
Hindi ko tinapos ang pagsusuklay, tulad nang lagi kong ginagawa ay sinusuklayan ko lamang ito gamit ang mga daliri ko. Habang nag lalakad papuntang mansyon ay panay ang pagsusuklay ko roon sa hindi ko alam na dahilan eh maayos naman na yun.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang hindi ma concious sa itsura ko ngayon. Siguro dahil excited akong makapunta nang dagat o excited dahil isinama ako ni Lorenzo?
Lah? Malanding isipan to! I shook my head. Bat ba ako nag-iisip ng ganito? Pero… Oo nga naman. Sino bang hindi ma e-excite na personal niya akong inaya!
Nandoon naman ang mga pinsan niya pero mas pinili niya akong isama sa kanya. Napangiti ako sa naisip.
Malayo-layo ang dagat mula sa Mansyon pero dahil maganda ang sasakyan ni Lorenzo ay paniguradong mabilis lang kaming makakarating roon.
Ano kaya ang gagawin namin roon ni Lorenzo? Tanong ko sa sarili habang naglalakad pa rin sa likuran nang mansyon patungo sa maliit na gate na nasa kabilang bahagi.
Hindi naman siguro ito date no? Sa pangalawang pagkakataon ay napahinto ako dahil sa naisip.
Teka bat ko ba naisip yun?
Nagsimula ulit ako sa paglalakad. Baka may kikitain lang siyang kliyente. Tama! Pero, bakit sa Ayuna? Magme-meet ba sila underwater? Tatanawin ang sunset sa seashore? Ngee. Kung ganoon man ay ang fetchy naman ni Lorenzo. Napatawa nalang ako sa sarili habang naglalakad na ulit.
Matataas ang bakod nang mansyon kaya halos ang ikalawang palapag at ang bubong nalang nito ang nakikita kapag sa likuran ka dumadaan. Habang kapag sa harapan naman ay makikita roon ang malawak na harapan ng mansyon at ang mismong mansyon din mismo.
Pagpasok ko ay naroon na si Roi at nagdidilig nang mga halaman.Nakapantalon ito at tila may pinaghahandaang lakad at halatang nagmamadali sa pagdidilig. Bumati siya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya. Pagpasok ko sa mansyon ay napahinto ako.
Anong meron? Nagtatakang tiningnan ko ang mga busy’ng tao sa harapan ko ngayon. Himalang maagang nagising ang magpipinsan at lahat sila ay nasa baba na at bihis na bihis. May lakad din pala sila ngayon? Sa kakapanuod ko sa kanila ay hindi ko namalayang pati rin pala sila Manang Sosyedad ay busy din.
Sina Weather at Fajra ay busy pagpupuri sa kung anong meron sa mga damit nila habang ang mga kalalakihan naman ay busy sa mga pamingwit na pangmamahalin. Yuong may iniikot?
Ewan,hhindi ko alam kung anong tawag doon pero basta yung pamingwit na pangmayaman veersiom, kasi yung sa amin ay simpleng kahoy lamang ang ginagamit at pising naylon lang.
"Aida!" Sigaw ng isang bosses sa pangalan ko. Dahil doon ay agad kong hinanap ang pinanggalingan niyon. Doon ay nakita ko si Karina sa pintuan ng kusina maraming dala, putok ang make up sa mukha at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.
Dahil sa lakas ng pagkakatawag niya sa pangalan ko ay pati sina Weather ay napatingin sa direksyon niya, halata ang panliliit sa mga mata ng mga amo namin sa kanya. I sighed.
Hindi dahil mabait sa amin ang mga amo namin ay dapat na siyang umakto nang ganyan. Ayaw ko naman siyang pagsabihan na galing mismo sa akin dahil baka mas lalo lang siyang maiinis sa akin. Tulad ko ay nakapantalon lang din ito. Nakasuot ng blusang kulay dilaw na off shoulders at naka braid ang makapal at straight niyang buhok. Ang pinagkaiba lang nito sa akin ay ang putok na putok niyang kulay pulang lipstick, tinalo pa nito sina maam Weather na naka lip gloss lang na parang kakakain lang ng letchon.
Si Karina parang isang milyong besses na nasapak dahil sa pulang-pula nitong mga labi. Napapailing nalang ako.
"May lakad ka? Teka, saan sila pupunta?" Tanong ko sa kanya nang makalapit. Hindi niya ako sinagot bagaman ay pinagpatuloy nito ang ginagawa niyang paglalagay ng mga junkfoods sa isang cabinet.
"Ang ganda mo." puri ko sa kanya.
"I know, correct." sagot niya sa akin. Pagkatapos ay inirapan niya ako. Mali yun. Muli ay gusto ko siyang tamain pero hindi nalang ako nagsalita pa.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Pupunta tayong Ayuna, hindi ka ba informed? Magmadali ka nga diyan. Kunin mo yung mga bag nina Maam Weather at dalahin mo sa van. Bilis!" Sabi niya pagkatapos ay umalis papunta sa labas para ihatid ang mga nakahanda nang mga pagkain.
Hinakot ko na ang mga iyon at pinasa kay Mang Rodolfo na nasa labas.
Hindi naman ako umasang kami lang ni Lorenzo, akala ko lang na may importante siyang gagawin sa Ayuna. Ano namang kayang importante yun? Balik na tanong ko sa sarili habang naglalakad pabalik sa mansyon. Malay ko baka may i-me-meet siyang business partner? Teka abugado siya hindi businessman.
Ah, baka kliyente? Kairita nman. Kinuha ko ang dalwang bag na naroon pa at hinatid iyon sa labas
"Aida?" Nilingon ko si Lorenzo.
"Po?" katabi na niya ang mga pinsan niya. Napalingon sa akin si Vince saglit na nginitian pa ako.
"Nagdala ka ba nang damit?"
"Po?"
"Pangligo?"
"Po? Maliligo? Hindi po ako maliligo."
"Anong hindi maliligo?" Si Fajra nang marinig ang sinabi ko.
"Magbabantay po ako sa mga gamit niyo po." sabi ko, kasi yun naman dapat talaga ang trabaho ko.
"What? Look at Karina she brought a bikini. You should bring yours too." Napatingin ako kay Karina. May dala itong pack bag na mawawasak na ata dahil sa kapunuan.
Ano naman kaya ang ibang laman nun? Napatingin ako sa kulay itim at maliit na sling bag ko. Pulbo at suklay lang dala ko, hindi ko naman alam na ganito pala. Ang akala koy may pupuntahan lang kami ni Lorenzo, outing naman pala nang lahat ‘to.
"No, hindi yan pwede. Lets go upstairs." Si Weather at hinawakan ako sa kaliwang braso.
"Yes, tara!" si Fajra na humawk naman sa kanang braso ko.
"P-po? T-teka lang." sabi ko pero hindi nila ako pinansin at hinigit ako patungo sa taas.
"Ayos na po talaga ako-" pag aayaw ko sa ginagawa nila. Pero tila wala lang ako sa harapan nila, dahil hindi ako nito pinapakinggan.
"Ito kaya?" si Weather at nilagay sa harapan ko ang kulay puting two piece. Nanlaki ang mga mata ko roon. Ipapasuot nila sa akin yan?
"Oo, bagay to sayo Aida." Napalunok ako nang laway.
"Ito din!" sabi ni Fajra sa kulay pulang bikini.
"S-susuotin ko yan?"
"Yes!" excited at sabay nilang sabi.
Alas otso nang umaga nang makarating kami sa Ayuna. Isang oras ang byahe namin galing sa mansyon.
"Ang ganda!" sabi ko nang makababa na ng sakyan at makita ang tanawin sa harapan.
"Bilisan mo nga!" Si Karina na tinulak ako gamit ang basket niyang bitbit. Munti na akong masubsob sa buhangin pero hindi man lang nag sorry sa akin si Karina but instead ay inirapan niya lang ako at naunang naglakad.
Hays, sumunod naman ako sa kanya dala ang apat na pakbag na pinagkasya ko sa mga braso ko.
Hindi naman gaanong mabigat kaya nakaya ko lang dalhin lahat nang iyon patungo sa cottage.
Dumiretso na agad ako sa rooms kung saan nasa likurang bahagi lamang ng mga cottages. Pagpasok ko roon ay nandoon si manang Sosyedad at nag aayos din ng mga gamit ng magpipinsan.
Ako lamang at ang pamilya nila Manang ang kasama, sina Manong Alejandro at asawang si Manang Charo na taga bantay ng mga hayop nina Don ang siyang iniwan sa mansyon muna. Maaasahan naman din ang mga yun at matagal na ring naninilbihan sa mga Timbreza.