Kabanata 1

2835 Words
Hindi paman sumisikat ang araw ay tumungo na kami sa mansyon ng mga Timbreza, ang nag mamay-ari ng halos lahat ng sakahan na makikita rito sa lugar ng Acuna. Patungo kami roon para maglinis, napag-utosan kasi ang mga tiya na maglinis roon, at dahil wala naman akong pasok ngayon ay sumama na rin ako para makatulong. Sa likuran kami ng mansyon dumaan, doon ay naabutan namin si Roy na naninilbihan din ang mga magulang sa mga Trimbreza. "Oh! Roy! Magandang umaga!" Bati ni Tiya Maring sa kanya. Napalingon agad siya sa direksyon namin pa liingon- lingon ito sa likuran ng mga tiya na tila ba ay may hinahanap. Nang makita ako ay doon lamang siya napahinto at ngumiti ng todo. Magkasing-edad lamang kami ni Roy at kalat sa lugar ang pagkakagusto niya sa akin. Sa tuwing naaalala ko yun ay napapabuntong hininga nalang ako. Mabuti naman siyang tao, kaso wala pa talaga sa isipan ko ang pumasok sa isang relasyon. Hindi ko nalang binibigyang pansin dahil ayokong paasahin siya. Ngumiti siya sa akin kaya tinanguan ko siya bilang pagbati. Kita ko ang pagsundot ni Tiya Lyoning sa tagiliran ni Roy kaya bahagya itong napatalon sa kinatatayuan. "Tiya Lyoning naman!" Gulat niyang ani. "Ikaw talagang bata ka, kay aga-aga kumekerengkeng kana agad." Pang-aasar sa kanya ng tiya. Napakamot sa batok si Roy at natawa nalang habang namumula ang mga pisngi. Pumasok na kami ng tuluyan sa gate na gawa sa metal kung saan iniluwa kami sa malaking harden sa likuran ng mansyon. "Anong oras ba dadating ang mga binata, Rodolfo?" Tanong ni Tiya Maring sa matagal ng hardenero ng mga Timbreza. "Mamayang gabi pa. Pero marami kasing kailangang linisin sa loob kaya pinatawag ko na kayo. Hindi kaya kung si Syodad at Karina lang ang maglilinis, maabutan kami ng mga binata at sa tingin ko ay sasama rin ang mga apong babae." Bumuntong hininga si Mang Rodolfo" Maarte pa naman ang mga iyon kaya kailangan talagang malinis ang bawat sulok ng mansyon." Sabi ni Mang Rodolfo na siyang ama ni Roy. Napahalumbaba tuloy ako sa sinabi niya. Kilangan naming linisin ang buong mansyon? Ang laki nito! Siguradong aabutin kami ng hapon lalo na't iilan lamang kaming maglilinis. Tumango si Tiya Maring at pumasok na sa mansyon. Hindi ito ang unang pagpunta ko rito pero hindi ko parin maiwasang mapamangha sa mga mamahaling kagamitan sa loob ng mansyon. Ito yata ang pang limang punta ko rito pero madalas ay hanggang bulwagan at kusina lamang ako. Ngayon ay sa tingin ko'y makakapasok ako sa iilang kwarto sa mansyon na ito. "Salamat at pumayag kayong pumunta rito, Maring." Bati ni Aling Syodad sa kanila kasunod ang anak na si Karina na iilang taon lang yata ang tanda sa akin. "Oo naman. Wala naman kaming ginagawa ni Lyoning at nandito rin si Aida para tumulong." Ngumiti ako nang magkatinginan kami ni Aling Syodad. "Wala ba kayong pasok Aida?" Nakangiting tanong niya. Tulad ni Mang Rodolfo ay mabait din ang nanay ni Roy sa akin. Hindi dahil alam nilang may gusto sa akin ang anak nila kundi dahil likas talaga silang mababait. I shook my head."Wala po. Simula na po nang bakasyon namin ngayon." Sabi ko pagkatapos ay ngumiti. "Mabuti nang sa ganon ay mas mapapabilis tayo. Sige samahan mo nalang si Karina na maglinis ng mga silid sa taas, Aida." Utos niya sa akin kaya sumunod naman agad ako kay Karina papunta sa ikalawang palapag ng mansyon gamit ang napaka engrandeng hagdanan na nag kokonekta sa una at pangalawang palapag. Hanggang pangalawang palapag lamang ang mansyon na ito pero malapad kasi kaya malaki at nasa halos kinse ang mga silid sa palapag na iyon hindi pa kasali ang mga silid sa unang palapag. "Marami kasing apo si Don Venancio kaya marami ding silid." sabi ni Karina na nakataas na kaunti ang isang kilay. Hindi katulad ng nanay, tatay at nakababatang kapatid ay hindi masyadong maganda ang pakikitungo ni Karina sa akin. Noon pa man ay ramdam ko ang hindi niya pagkakagusto niya sa akin, lalo na nang malaman niyang may gusto ang kapatid niya sa akin. Huminto siya at hinarap ako. "Hindi ka naman siguro magnanakaw no?" Sabi niya sa akin na dahilan upang mapunta sa kanya ang buong atensyon ko matapos tanawin ang iilang mga mamahaling bagay sa paligid. "Tinuruan ako ng maayos ng Inay ko kung ano ang tama at hindi Karina. Hindi ko kayang magnakaw ng mga bagay na hindi sa akin" sabi ko sa malumanay na bosses. Umismid siya sa akin. "Naninigurado lang. Hindi pa kita gaanong kilala, malay ko ba kung anak ka pala ng sindikato o kaya kasali ka sa kulto ng mga magnanakaw." Sabi niya na sinipatan muna ako bago ako tinalikuran at naglakad muli. Bumuga ako ng isang malalim na hininga, kasunod n'yon ang pag-iling ko. Noon pa man ay natatanong ko na sa sarili ko kung anak ba talaga siya nina aling Syodad. Ang babait ng mga magulang niya pero siya parang pinagpigaan ng mangga ang ugali. Hindi ko nalang pinansin iyon at sumunod na rin sa kanya. Sanay na ako sa mga masasamang salita na binabato sa akin. Eversince bata pa ako ay palagi na akong nakakarinig ng kung ano-anong mga salita mula sa mga taong nasa paligid ko porque masamang tao daw ako, anak ng mangkukulam, sinungaling at marami pang iba. Itong mga binabato sa akin na mga salita ni Karina? Hindi pa ito nangangalahati sa sakit na naranasan ko noon kaya hindi ko nalang pinapansin. Nasanay na rin ako. "Nasaan ba ang ibang katulong?" Tanong ko. Kung marami naman palang silid bakit hindi nalang sila kumuha ng maraming katulong? Huminto si Karina sa tapat ng malaking picture frame at roon ay nakita ko ang painting ng buong pamilya Timbreza. I haven't seen them in a one picture dahil madalas ng mga litrato sa ibaba ay puro kay Don Venancio lamang. Sa painting na nakikita ko ngayon ay buo sila at kasama pa ang mga apo niya. "Hindi gusto ng mga apo ni Don ang maraming katulong. Mag simula kana para maaga kang matapos" Sabi niya bago pumasok sa unang silid upang maglinis din. Bago tuloyang pumasok ay napahinto muna ako at napatingin sa isang larawan, sa lahat ng larawang naroon ay ito ang pinakamalaki. Halatang bago pa lang kinunan ang larawang ito dahil mapuputi na ang mga buhok ni Don dito. It's frame made it more attractive dahil sa mala-ginto nitong kulay. Iilan lamang ang mga babae at karamihan ay mga lalaki ang apo ni Don. Unang besses kong mapadpad rito kaya unang besses ko lang rin makita ang larawan ng mga apo ni Don. Ang sabi-sabi sa bayan ay puro magaganda't gwapo raw ang mga ito, sa tuwing may nagsasabi nun ay hindi ako naniniwala dahil ni isa sa kanila ay hindi ko pa naman nakikita pero ngayon masasabi kong totoo nga kahit sa litrato ay makikita ang magandang lahi ng mga Timbreza. Oo, ni isa sa kanila ay hindi ko pa nakikita. Tatlong taon na akong namamalagi rito sa Acuna pero ni isa sa kanila ay hindi ko pa nasisilayan sa personal. Madalas ko ring naririnig noon na sa tuwing bakasyon ay umuuwi sila. Madalas ding may kasiyahan kapag naririto sila, alam ko yun kasi rinig na rinig namin mula sa bahay ang maiingay na tunog na binubuga ng malalaking speakers nila sa mansyon. Sa tatlong taon na nagdaan ay palagi lamang akong nasa bahay nagtatago dahil sa takot na baka may makakilala sa akin. Pag may pasok sa eskwela ay madalas din akong tahimik lang sa isang tabi, kapag tapos na ang klase ay diretso naman ang uwi. Ganoon ang naging rotina ko sa nagdaang tatlong taon, nagtatago, tahimik at takot. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay umuusaad pa rin ba ang kaso ni Inay... napagbuntong hininga ako. Naalala ko na naman. Lumatay ang sakit sa aking dibdib. Ilang taon na ang nakakalipas pero masakit pa rin talaga. Nagtaas ako ng tingin muli sa larawan. Binilang ko ang mga iti Don Venancio, sampu. Walong lalaki at dalwa lamang ang babae. Nasisiguro kong masaya ang Don at marami pang Timbreza sasusunod na henereasyon. "Hoy! Ano pang tinatayo-tayo mo r'yan?" Malditang ani sa akin ni Karina. "Uh... ahm.." Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang walis na hawak. Nagmamadali ko naman itong pinulot ulit at tumungo na sa silid na lilinisan ko. Dumidilim na nang matapos kami sa paglilinis. Gumawi muna ako sa balkon saglit at tinunghayan ang magandang tanawin, palubog na ang araw at ang ganda tingnan nito mula dito sa balkon ng mga Timbreza. Pero wala paring makakatalo sa tanawin nito mula sa likuran ng aming kubo, sa palayan. Nang makababa ay laking pasasalamat nila Nong Rodolfo sa tulong namin kahit walang kapalit. "Nakuh! Ano kaba para namang wala kaming pinagsamahan ni Venancio, masaya akong makatulong sa inyo." Si Tiya Maring na natatawa pa. Ang alam ko ay ang palayan na meron sina Tiya ay bigay sa kanila ni Don Venancio. Ito raw ay bilang pasasalamat dahil naging mabuting taohan ang ama at ina nila sa pamilya nila Don noon. "Aalis na kami, Rodolfo." Paalam ni Tiya Lyoning. "Sige, mag ingat kayo. Maraming salamat sa tulong." Paalis na kami nang dumating ang iilang kulay itim na mga sasakyan. Napahinto kami sa paglalakad patungo sa likurang bahagi ng mansyon. Napalingon ako sa limang sunod-sunod na sasakyang dumating sa harapan ng mansyon. Nakita ko ang pagmamadaling paglabas ni Aling Syodad mula sa mansyon at ang pagmamadaling paglapit ni Mang Rodolfo sa mga sasakyan na iyon. "Tara na." Nakatanaw pa ako roon nang higitin ako ni Tiya Lyoning paalis. "T-teka lang tiya..." sabi ko kasi gusto ko sanang makita man lang ang isa sa kanila. Nakita ko ang unang pagbaba ng isang nakapolong puti na lalaki. Matangkad ito dahil sa matataas na mga hita, maputi at nakasalamin. Kitang-kita ko ang tila paglanghap niya ng hangin na para bang miss na miss niya ang ihip ng hangin na dulot ng probinsya. Malayo man sa gawi nila ay kita ko ang pag ngiti nito kay Mang Rodolfo. Nag usap sila sandali at kasunod non ay napatanaw sila sa gawi namin. Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang aking mga daliri. Kumaway ang lalaki sa direksyon namin. Nanlaki ang mga mata ko dahil akala ko'y ako ang kinakawayan nito. Humalakhak si Tiya Maring sa gilid ko at kinawayan pabalik ang binata. Tinanggal niya ang suot na salamin. Hinihigit na ako nila Tiya at kahit malayo man ay kitang-kita ko ang pagkakadikit ng mga kilay niya. Nawala lamang sa amin ang tingin niya nang may tumulak sa kanya mula sa likuran niya. "Tara na..." paghila sa akin ng dalawang tiya kaya tumalikod na rin ako at naglakad na papaalis. Naglalakad na kami pauwi nang magsalita ako. "Totoo pala yung sabi-sabing gwapo at magaganda ang mga apo ni Don Venancio." "Naku! Wag mo sabihing may gusto ka sa isa sa mga apo ni Don Aida?" Si Nay Lyoning na napahawak sa braso ko, habang nag-uusap ay nagpatuloy kami sa paglalakad pauwi. Madilim na ng kaunti kaya panay na ang hawak sa akin ng dalawang matanda na pina-gigitnaan ako upang igiya sila sa paglalakad. Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa mansyon ng mga Timbreza siguro mga nasa iilang metro lamang ang layo nito mula roon. Mahina lamang ang lakad namin dahil nahihirapan ng mag lakad si Tiya Lyoning dahil sa pagod. "Wala po. Akala ko po kasi ay binibiro lang ako ng mga kaklase ko." Sabi ko. Totoo naman, ngayon ko lang talaga kasi sila nakita maliban nalang kanina. Pero base sa larawang nakita ko sa mansyon ay mga magaganda't gwapo nga talaga ang mga apo ni Don. Tumawa si Tiya Maring. "Hindi lang mga gwapo at maganda ang mga apo ni Don Aida, mababait rin ang mga ito." Ani niya. Nasabi niya kasi sa akin noon na nanilbihan na sila sa mansyon. Tumingin sa akin si Tiya Maring kasunod non ay ang pagtingin niya sa kapatid na nasa kabila ko na diretso ang tingin sa dinadaanan. Humalakhak muli si Nay Maring. "Maganda talaga ang lahi ng mga Timbreza. Kung nakita mo lang ang kabataan niyang si Venancio kamukhang-kamuha nung panganay na anak nila Sir Vincent at Ma'am Layla." "Saan po dun Tiya?" "Hindi mo pa nakikita yun, kasi madalas lang yung sumasamang magbakasyon dito kasama ang mga pinsan niya dahil busy sa pag-aaral pero sobrang bait nang batang yun, manang-mana sa Lolo." "Sa tingin ko'y siya yung unang bumaba kanina." Insert ni Tiya Lyoning sa usapan. "Alam na alam ano?" sabi ni Tiya Maring na nagpakunot sa noo ni Tiya Lyoning. Tuloy ay napakunot rin ako sa noo ko dahil sa paraan ng pagngisi ni Tiya Maring na tila'y tinutukso ang sariling kapatid. "Mag kano po?" Tanong ko kay Mang Natoy na Tindero nang mga karne dito sa palengke. Maliit lang itong palengke namin dito, bale palengke ito ng buong baryo namin. At ang lupang ginagamit nila ay lupa ng mga Timbreza, libre at wala man lang binabayaran na renta. Sobrang bait talaga ni Don kaya mahal na mahal siya ng lahat ng tao dito sa lugar na ito. Malagkit ang tingin sa akin ang pinukol ng matandang tindero. Dahil doon ay napa-iling nalang ako habang hinihintay ang sagot niya. "Ilang kilo ba ang bibilhin mo hija?" Tanong niya, malagkit parin ang mga tingin sa akin. "Isang kilo lang po." sabi ko. Habang tinitimbang niya ang napili kong karne ay lumayo muna ako kauntesa lamesa niya at kunyareng tumitingin sa mga binebenta niya ring Longganisa na wala naman akong balak bumili. Ibibigay na sana sa akin ni Mang Natoy ang binili kong karne nang may humintong mga magagarang kotse sa likuran ko. Parang hinigop ang dugo ko sa mukha nang makita kung anong klaseng sasakyan ang mga iyon. Pamilyar sa akin iyon. Ganoon din ang ginagamit niyang sasakyan sa tuwing bumibisita siya sa amin ni Nanay sa plaza. Napapikit ako at inisip na maraming may sasakyan na ganoon ang estilo at hindi lamang siya ang may kakayahang makabili ng ganoon kamahal na sasakyan. "Aida?" tawag ni Mang Natoy na pasimple na palang humahawak sa kamay ko. Mabilis kung kinuha ang kamay palayo sa kanya at ang isang supot ng karne. Hindi ko napigilang pukolan siya ng isang masamang tingin habang binibigay ang bayad sa kanya. Siya naman ay binigyan lamang ako ng nakakadiring ngiti. At dahil katabi lang nang daanan ang pwesto ni Mang Natoy ay napalingon akong muli sa mga sasakyan. Bumukas iyon at lumabas ang isang matangkad at maputing lalaki. Rinig ko ang iilalang pagpipigil tili ng mga babaeng tindera. Napakunot ako sa noo, artista bato?Bat parang hindi ko naman nakikita 'to sa mga palabas? Inalis niya ang suot na salamin at nagtama ang aming mga paningin. I gulped. Katulad ko ay kumunot bahagya ang kanyang noo. Maya-maya ay bigla nalang nagkalat ang iilang kalalakihan mula sa kasunod nitong sasakyan. Nang makita ang mga iyon ay naging pamilyar na sa akin ang lalaki. Isa ito sa mga apo ni Don. Binalik ko ang mga tingin sa mga lalaking naka polong itim na palinga-linga sa paligid. Nangunot ang noo ko dahil roon at nawalan ng kaunteng kaba ang damdamin. Napabuga ako ng hangin. Akala ko ay katapusan ko na. Akala ko ay mga tauhan na ito ni Pyeong. Humarap ako muli kay Mang Natoy para kunin ang sukli ko. Naka ngising aso pa ito dahilan upang mapangiwi ako. Napaka-m******s talaga ng matandang 'to! Paalis na sana ako nang marinig ang isang tinig ng babae, kaya napatingin na naman ako sa gawi ng magagarang sa sakyan kanina. "Move, Kuya!" Inis na sabi ng isang magandang babae sa likuran ng lalaki. Aalis na sana ako pero nakuha naman ng babaeng kakababa lamang ng sasakyan ang atensyon ko. Nakaputing blusa ito at pantalon. Katulad ng lalaki kanina ay nakasalamin rin ito na para bang takot ang mga mata nila sa sinag ng araw. Para ring hindi sila lumalabas ng bahay dahils sa angking kaputian ng kanilang mga balat. Malayo sa balat kong parang nasunog na dahil sa kabibilad sa ilalim ng araw. Agarang sumama ang mukhang babae nang tuluyan nang makababa ng sasakyan at nalanghap ang amoy na hatid ng palengke. "This is so gross Kuya Lorenzo. Why do we have to do this? Pwede naman yung mga maid nalang!" Halatang-halata ang inis niya sa mukha. Napatingin siya sa sa gawi ko kaya ako naman ay nagmadaling lumingon sa mga nagbebenta ng mga isda. Ang arte naman nito. Palibhasa anak mayaman. Hindi pa siguro na try mamalengke kasi may maraming katulong. Hindi KO nalang pinansin ang mga ito at pinagpatuloy ang pamamalengke ko. Dumiretso na ako sa mga nagbibenta ng mga tuyong isda. Naghahanap ako ng mga magagandang mukha at hindi gaanong mabaho ang amoy ng may kumausap sa akin mula sa likuran. "Miss?" Napaharap ako sa nagsalita at gulat nang makita ang apo ni Don.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD