“Mitch, we heard what happened to you. Oh my gosh, how are you now?” humahangos na pumasok sa hospital room niya sina Lyca at Crystal at agad ang mga itong lumapit sa kanya. Tumayo naman si Chris na nakaupo sa tabi ng kama niya at umupo na lang ito sa sofa. Tumabi rin dito ang dating boyfriend ni Lyca na asawa na ngayon at ang dalawa naman ang nag-usap. “I’m fine. Pero kinuha nila ang anak namin.” Malungkot niyang balita sa mga ito. Her friends didn’t know about Chris’ uncle at wala na silang balak ipagsabi pa iyon. They will just say that some bad guys kidnapped their son in return for money. Hindi na rin naman nakakapagtaka iyon dahil mayaman ang pamilya nila kaya iisipin talaga ng iba na may magtatangka na perahan sila. “Sino namang taong napakasama ang gagawa niyan? Poor Mikael, sa

