“Tito, pakawalan mo na ako. Sumuko ka na.” panghihikayat niya sa Tito Jhun niya nang puntahan siya nito sa kwartong pinagkulungan sa kanya. Hapon iyon at napansin niyang pangalawang araw na doon ng Tito niya at hindi ito umuwi. She wondered why. Halata rin sa hitsura nito ang pagiging balisa ito, tila hindi ito nakatulog ng maayos at marami ang iniisip nito. “Shut up! Kasalanan mo itong lahat! Kung hindi ka nagdadaldal at nilason ang isip ni Jessica, tagumpay na sana ang plano ko! Dapat sana pala pinatay na kita una pa lang! Punyeta ka!” Napaatras siya ng tutukan siya ng baril ng Tito niya. Nanlaki ang mga mata niya lalo at nakikita niyang nakahawak ang daliri nito sa gatilyo at sa itsura nito ay galit na galit ito. “Sinira mo ang plano ko! Akala ko wala kang silbi. Pero simula na

