Nagising si Mitch dahil sa pagkalam ng sikmura niya. She quickly checked the time in her wristwatch after she opened her eyes, alas dos na pala ng hapon. When she looked around, saka lang niya naalala na nasa hospital siya at nagbabantay kay Chris dahil nakita niya itong nakatunghay na sa kanya. Siya dapat ang nagbabantay pero ngayon siya na ang binabantayan. “Sweetheart!” gulat na sabi niya at agad siyang bumangon. She didn’t plan to sleep that long. Dapat nga sana ay bibisitahin niya si Mikael kaninang umaga pero napasarap pala ang tulog niya. “Careful!” hindi na niya pinansin ang sinabing iyon ni Chris at agad na niya itong nilapitan. Bigla naman siyang nahilo kaya agad rin siyang napaupo sa upuang nasa tabi ng kama ni Chris. “Kanina ka pa ba gising?” tanong niya rito sabay haplos

