Just after nilang magkausap ni Chris tungkol sa uncle nito ay tinawagan niya si Cassy. Inutusan niya itong lihim na paimbestigahan ang uncle ni Chris. At gaya ng napag-usapan nila ni Chris ay nag indefinite leave muna siya. Tulad ng inasahan niya ay maraming nagulat sa biglaan at maagang pagleave niya dahil nga 4 months pa lang ang ipinagbubuntis niya. Pero nang kumalat sa kumpanya na dinala siya sa hospital dahil dinugo siya ay hindi naman na raw pinag-usapan masyado ang pag take niya ng leave at marami rin daw ang sumang-ayon at nag-alala sa kanya. That’s what her secretary, Cassy, told her. Cassy kept on updating her tungkol sa mga nangyayari sa kumpanya lalo na sa mga kumakalat na tsismis doon na may kinalaman sa kanila ni Chris. So far ay iyon pa lang naman ang tsismis sa kany

