Nagmamadaling bumaba si Chris sa hagdan pagkatapos biglang maputol ang pag-uusap nila ni Mitch. Damn! He’s so worried for her safety! Ayaw niyang mag-isip ng masama pero hindi niya maiwasang mag-alala. He’s convinced that no one would do it except the one who’s responsible for Raf’s killing. And what will they do to Mitch this time? Natatakot siya habang naiisip ang sinabi ni Manuel na apat na kotse ang nakasunod sa mga ito. Kahit pa bihasa si Manuel sa pakikipaglaban at paghawak ng baril ay nag-aalala pa rin siya dahil maaaring maisahan si Manuel dahil sa maraming bilang ng kalaban. Bukod doon ay kailangan pang protektahan ni Manuel si Mitch. He is just praying hard na magkaroon ng himala at walang mangyaring masama sa asawa niya pati na rin kay Manuel. “Chris, bakit ka nag

