Pagkagising ni Mitch kinaumagahan ay gising na si Chris na seryosong kausap ang mommy niya. “Sweetheart, mabuti at gising ka na.” aniya at agad siyang lumapit dito at hinalikan ng mabilis ang mga labi nito. “Sweetheart, bakit diyan ka sa sofa natulog? Hinayaan mo na lang sana na si Efren na ang magbantay sakin dito.” “I can’t.” umiiling-iling na sabi niya rito. “Come here.” Ibinuka nito and dalawang kamay at agad naman siyang lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit. “Were you scared?” masuyo nitong tanong sa kanya at tango lang ang isinagot niya. “Don’t be… I’m ok. And I think I saw who did this to me…” Bigla siyang napaangat ng tingin dito sa sinabi nito. “Sino?” “It’s my uncle.” Seryoso nitong sabi at biglang bumalatay sa mga mata nito ang galit. His uncle?? Pero akala niya ay

