Malakas na tunog ng tawag mula sa cellphone ni Trey ang sumansala sa pag-uusap namin. Para akong nahimasmasang umayos nang pagkakatayo at pasimpleng umalis mula sa pagkaka-corner niya sa'kin sa railings. Mabuti na lang at hindi niya ako pigilan. Hinayaan niya akong makalayo nang ilang hakbang bago sinagot ang tumutunog na cellphone. Kunwari ay hindi nakikinig na tinuon ko ang atensiyon sa tanawing nasa baba ng kinaroroonan namin. Pinapakalma ko rin ang sarili. Parang gusto ko kasing mahilo sa kinauuwian ng usapan namin. Tuwing naalala ko ang sinabi niyang higit pa sa pagkakagusto ang nararamdaman niya para sa'kin ay parang baliw na pumipitlag ang puso ko. Hindi ko mapigilan ang kakaibang tuwang naramadaman ko roon kasabay ang damdamin ko para sa kanya na unti-unti nang umuusbong doo

