NANG makarating ako sa paaralan ay bakas pa rin sa aking mukha ang pagkainis dahil sa tinuran ng kapatid ko. Napansin naman iyon ng ilan kong mga kaklase at naisipan nila akong kumustahin ngunit sinabi ko na lamang na medyo hindi maganda ang aking pakiramdam.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa kalaswaang nagawa ni Kevin. S’ya na nga itong unang gumawa ng kabastusan ay ito pa ang may ganang insultuhin ako. Ang malala pa roon ay hindi nito naisipang humingi ng tawad man lang. Basta-basta na lamang itong lumabas ng bahay nang walang pasabi at hindi na ako kinibong muli hanggang sa makarating kami rito sa paaralan.
Bihira lamang kaming mag-away ng nakababatang kapatid kong iyon kaya hindi ko gusto ang nangyayari sa pagitan naming dalawa ngayon. Mamayang uwian ay muli ko itong kakausapin at kailangan nitong humingi ng tawad sa akin, gustuhin man nito o hindi.
Habang nasa kalagitnaan ng klase ay nakaramdam ako ng bahagyang pag-iinit ng katawan. Mukhang tatrangkasuhin na naman yata ako. Napakahina talaga ng resistensya ko. Mabuti na lamang at may natira pang mga gamot na binili ni Itay noong isang araw. Iinom na lamang akong muli mamaya pagka-uwi ko.
Nang sumapit ang tanghali ay mag-isa akong nagtungo sa kantina. Lumiban kasi sa klase ang matalik kong kaibigan na si Rey kaya wala akong makakasabay na mananghalian ngayong araw. Nagyaya naman ang ilan kong mga kaklase upang sumabay na lamang ako sa kanila ngunit tinanggihan ko iyon. Baka kasi mahawaan ko pa ang mga ito ng trangkaso ko sakaling mayroon nga ako. Kaya minarapat ko na lamang na mapag-isa muna.
Bumili na ako ng ulam at nagtungo sa isang bakanteng mesa sa canteen. Nasa may bandang gilid ito at walang masyadong tao rito.
Maya-maya pa ay nagsimula na rin akong kumain. Tahimik akong ngumunguya ng pagkain nang bigla na lamang may umupo sa tapat ko. Napatingin ako sa bagong dating na si Louis, isa sa mga kaklase ko.
“Pwede bang makiupo?” panimula nito at inilapag sa mesa ang sariling baunan.
“N-naku, Louis. Hindi naman akin ang mesang ito. Maupo ka lang d’yan,” banggit ko rito sabay tawa nang mahina.
Hindi ko ito magawang tignan sa mga mata. Nahihiya kasi ako rito.
Napatawa lamang ito at inasikaso na ang paghahanda ng kanyang baunan.
“Anong ulam mo?” bigla nitong sambit sabay tingin sa aking kinakain.
Napakapit naman ako sa aking baunan nang mahigpit. Hindi dahil sa natatakot akong baka kunin n’ya ito, kundi dahil sa gulay lamang ang aking ulam samantalang masarap na hotdog ang kanya.
“A-ah... ano... ginataang kalabasa. Binili ko sa canteen kanina,” medyo nahihiya ko pa ring sagot. Hindi talaga ako makatingin dito nang diretso. Napansin ko rin kasing mariin ang mga titig nito sa akin, at hindi ako komportable roon.
“Ah, ganu’n ba? Gusto mo bang tikman ‘tong hotdog ko?”
Dahan-dahan akong napatingin dito at nabigla nang mapansing nakangisi ito. Ngising pamilyar sa aking paningin. Ganito rin ang mga ngising itinapon sa akin ni Kevin kaninang umaga habang inaayos ko ang sira nitong siper.
Mabilis kong binawi ang aking paningin mula rito at nagpatuloy na muling kumain.
“H-hindi na, Louis. N-nakakahiya naman,” tugon ko na lamang dito at itinuloy na ang aking pananghalian.
“Ayaw mo? Sayang. Masarap pa naman ‘tong hotdog ko. If you want, bibili pa ako ng dalawang itlog sa canteen para perfect combination!”
“S-sige lang. P-patapos na rin naman ako,” tanggi ko rito.
“Ganu’n ba? Sayang naman.” Bigla itong napasimangot.
Matapos iyon ay nanatili na kaming tahimik na kumain. Ngunit hindi rin ako nakakain nang maayos dahil panay ang titig nito sa akin. Nagkaroon pa ng pagkakataong nagsalubong ang aming mga tingin at kitang-kita ko kung paano nito pinaglaruan ang subo-subong hotdog habang nakapukol ang atensyon sa akin.
Minadali ko na lamang ang pagkain ko upang makatakas sa sitwasyon. Kahit medyo marami-rami pa ang natirang kanin at ulam ay isinara ko na ang aking baunan at isinilid iyon sa loob ng bag ko sabay tayo.
“M-mauna na ako, Louis,” paalam ko rito habang nakatayo sa kanyang harapan.
At nang tumalikod na ako rito ay kaagad akong napasinghap nang bigla na lamang nitong tinapik ang aking pwet.
“Sige. Sabay ulit tayong kumain sa susunod, ah?” kaswal nitong sabi sabay kindat pa.
Mabilis kong natabig ang kamay nito at dali-daling naglakad palayo. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi at mukhang tumaas yata lalo ang aking temperatura. Napansin ko ring pinagtitinginan ako ng ilang mga estudyante sa koridor. Siguro ay dahil bakas sa aking mukha ang sobrang kaba dahil sa ginawang ng kaklase kong iyon.
Tumuloy na lang muna ako sa banyo upang maghugas ng kamay. Pagpasok ko sa loob ay saktong kakalabas lamang ng isang estudyanteng lalake kaya maswerteng na-solo ko ang buong banyo.
Naghugas muna ako ng aking kamay at naghilamos. Unti-unting nalusaw ang aking kaba.
Napatingin ulit ako sa salamin upang siguruhing hindi na ako namumula dahil sa sobrang hiya.
Nang masiguro kong maayos na ang aking hitsura ay kinuha ko na ang aking bag at lumabas.
Muli kong naisip ang ginawang iyon ni Louis. Kaklase ko ito mula pa noong Grade 11 ngunit hindi ko ito masyadong nakakausap. Ang alam ko lamang dito ay isa itong transferee. At hindi katulad kong purong probinsyanong hindi pa nakakaluwas sa ibang bayan o lugar, si Louis ay tubong-Maynila na napunta lamang dito sa probinsya. May mga bali-balita ring pumapatol ito sa kapwa-lalake at aktibo pagdating sa bagay na iyon. Hindi ko iyon masyadong binibigyan ng pansin dahil hindi ko rin naman ito kilala nang lubusan. Ngunit dahil sa ginawa nito kanina ay napapaisip na akong paniwalaan ang bali-balitang iyon.
Habang nakikinig sa klase ay hindi ko napigilang kabahan. Hindi rin ako makapag-pokus sa mga sinasabi ng aming guro. Kahit nasa bandang likuran kasi nakaupo si Louis ay ramdam ko ang mga titig nito sa akin ngayon. Kung pwede lamang na magsumbong sa aming guro ay ginawa ko na. Ngunit naisip kong nakakahiya iyon at medyo hindi kapani-paniwala. Kaya nanatili na lamang akong tahimik.
“Ok, class. Find a partner para sa gagawin nating activity next week,” sambit ni Ma’am Catalan.
Nagsimula namang maghanap ng kapareha ang aking mga kaklase.
Napatingin ako sa katabi kong upuan na kasalukuyang bakante. Wala rito si Rey kaya mukhang mahihirapan din akong makahanap ng makakapareha.
“A-ano, K-kristoffer, may partner ka na ba?”
Napatingala ako upang makita ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ang kaklase kong si Hazel na nakatayo sa harapan ko.
Agad akong napangiti rito. Akmang sasagutin ko na sana ito upang pumayag nang biglang may nagsalita mula sa aking likuran.
“Naku, Hazel. Ako na ang napili ni Kristoffer, eh. Maghanap ka na lang ng iba. Du’n sa mga lalaki sa likod, mukhang wala pa silang partners.”
Napalunok na lamang ako habang pinakikinggan ang nagsasalitang si Louis.
“G-ganu’n ba? S-salamat na lang, K-kristoffer...” Nakayukong umalis sa aking harapan ang kaklase naming babae.
Kaagad na inilapag ni Louis ang kanyang bag patungo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
“Ma’am! Partner po kami ni Gregorio,” biglang sigaw nito nang maupo sa aking tabi.
“Ok. Please write both of your names on a small sheet of paper then submit it to me.”
“Copy, Ma’am.” Kumuha ito ng papel at ballpen at saka ay isinulat ang pangalan.
Maya-maya ay napatingin ito sa akin.
“‘Di ko alam spelling ng pangalan mo, eh. Here, ikaw na magsulat ng sa ‘yo, hehe,” nakangiti nitong banggit habang inaabot sa akin ang ballpen at maliit na papel.
Dahil paalis na rin ang aming guro ay wala na akong ibang nagawa kundi ang tanggapin na lamang iyon. Isinulat ko ang aking pangalan dito at muling ibinigay sa kanya.
“Nice. Ah... So K pala starting letter ng name mo. Nasanay ako sa Ch, eh, haha,” saad nito habang pinagmamasdan iyon.
“M-mahigit isang taon na tayong magkaklase, ah. H-hindi mo pa rin alam?” nahihiya kong tugon dito. Ang totoo ay ayaw ko itong kausapin. Ngunit dahil magiging partner ko ito sa aming activity ay kailangan kong umpisahang makipag-usap dito.
“Bakit ko naman aalamin? Crush ba kita?” banggit nito na tila natatawa.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin dahil sa sinabi nito.
“B-bakit? C-crush lang ba ang dapat inaalam ang tamang spelling ng pangalan?” pasaring ko rito habang hindi pa rin tumitingin.
“O, sige na, crush na kita. ‘Wag ka nang magtampo.” Tumayo na ito at ipinasa sa aming guro ang maliit na papel.
Naiwan naman akong namumula. Hindi ko alam kung bakit medyo nagustuhan ko ang sinabi nito. Alam ko namang biro lamang iyon pero hindi ko pa rin naiwasang medyo mapangiti. Siguro dahil isa lamang iyong biro at nararapat lamang na pagtawanan. Isa pa ay ito ang unang lalakeng nagbiro sa akin ng ganoon.
────୨ৎ────
HABANG nasa byahe pauwi ay pansamantala muna kaming tumigil ng sinasakyan naming tricycle upang sunduin si Karl sa bahay nina Aling Sylvia. Pang-umaga lamang kasi ang pasok ng bunso naming kapatid kaya buong hapon ay nasa bahay na ito ng kaibigan ng aking ina at nakikipaglaro sa mga batang naroon.
Natutulog na naman ito nang madatnan namin kaya kinarga ko na lamang ito habang binabaybay ng sinasakyan naming tricycle ang daan pauwi ng aming bahay. Madali kasi itong mapagod kakalaro maghapon kaya madalas ay tulog ito tuwing kinukuha na namin kina Aling Sylvia.
Pagkatapos ng aming klase kanina ay dumiretso kaagad ako sa todahan upang maghanap ng masasakyan. Mabuti na lamang at kaagad kong nakita si Mang Berto na madalas na naming sinasakyan ng kapatid ko simula pa man noong nagsisimula pa lamang kaming mag-aral. May kalapitan lang kasi ang bahay nito mula sa amin kaya ay ito na ang nagsisilbi naming tagahatid-sundo madalas.
Tatlo lamang kaming pasahero dahil maliit lang din ang tricycle. Nakaupo sa bandang likuran ng driver si Kevin at napansin kong kanina pa itong panay ang tingin sa akin. Hindi ko lamang ito pinapansin. Mamaya ko na ito kakausapin. Nakakahiya kasi kay Mang Berto sakaling mauwi sa sagutan ang pag-uusap naming magkapatid.
Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa aming sitio. Hindi na tumuloy si Mang Berto patungo sa aming bahay dahil lubak-lubak na ang daan patungo roon. Isa pa ay kaya naman namin iyong lakarin.
Iniabot ko na ang aming bayad sa matanda sabay harurot ng tricycle palayo.
“Ingat ho kayo!” paalam ko rito bago tumalikod.
Nagsimula na kaming maglakad. Karga-karga ko pa rin si Karl na mahimbing pa rin ang tulog.
Tahimik naming nilakad ang daan pauwi habang nasa bandang likuran si Kevin. Maya-maya ay bigla na lamang nitong kinuha ang bunso naming kapatid.
“Ako na magbubuhat,” anito kaya ay binitawan ko si Karl upang ibigay sa kanya. Medyo nananakit na rin kasi ang mga braso ko kakabuhat.
“S-salamat,” nauutal kong sambit dito.
“Sorry nga pala sa ginawa ko kanina,” walang anu-ano’y bigla nitong banggit habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad.
Napatingin ako rito at kaagad rin iyong binawi.
Agad na natunaw ang kanina’y galit ko rito. Para akong nabunutan ng tinik sa puso dahil sa paghingi nito ng tawad.
Hindi ko napigilan ang aking sarili at bigla na lamang akong nangilid nang bahagya. Mukhang narinig naman nito ang aking paghikbi at kaagad na napatingin sa akin.
“Ayos ka lang ba, Kuya? Ba’t ka umiiyak?” tila naguguluhan at nag-aalala nitong tanong sa akin.
Hindi muna ako sumagot at napatawa na lamang habang naluluha pa rin. Maya-maya ay naisipan ko ring sagutin ang tanong nito.
“Ikaw kasi, eh. Huwag mo nang uulitin ‘yun, ah? At mas lalong huwag kang papatol sa mga nagkakagusto sa ‘yo sa bayan.”
Sandali itong natigilan sa aking sinabi ngunit kaagad ring nagsalita.
“Hindi ko na uulitin ‘yun, Kuya, pramis. A-at mas lalong hindi ako papatol sa mga nagkakagusto sa akin sa bayan.”
Imbes na sumagot ay inakbayan ko na lamang ito at magkasabay na naming tinahak ang masukal na daan patungo sa aming munting tahanan.
Pagdating namin sa aming bahay ay naroon na rin pala ang aming mga magulang. Pagkatapos kong magbihis ng pambahay ay kaagad akong uminom ng gamot upang hindi na lumala pa ang aking trangkaso.
Natutuwa ako dahil hindi rin tumagal ang aming hindi namin pagkakaintindihan ni Kevin. Hindi ko na kinailangan pang komprontahin ito upang humingi ito sa akin ng tawad. Patunay na isang mabuting tao ang nakababatang kapatid ko.