"Ace,gumising ka na diyan at magliligpit na ang Mama.."niyugyog niya ang anak.Tanghali na naghihilik pa ito.Napagod siguro kalalaro sa mga bata sa tabing dagat.Nawiwili ito sa mahabang baybayin ng lugar na pinuntahan nila ng Anak sa Quezon Province. Malayong kamag anak nila ang Lola Lita niya.Minsan na siyang nakapunta rito ng mamatay ang asawa nito.Si Lola Lita ay pinsang buo ng Mama Dahlia niya.Masasabing puwerang baranggay na ito sa dulo ng Patnanungan Quezon ang iba ngang baranggay doon ay isla.Puwede na ding hundred islands sa Pangasinan,di nga lang ganun karami.magkakalayo layo ang mga ito. Dito niya naisip pumunta dahil siguradong hindi siya mahahanap kaagad ni Lester.Kahit ang mama niya di iisiping titira siya sa tabing dagat. Ngunit maganda ang lugar,tahimik at malayo sa mga ma

