Pagbangon

1437 Words
3 Years Later Ang bilis ng panahon,tatlong taon na ang anak niya ngayon.May simple silang salo salo sa bahay nila Hyacinth. Mga piling bisita at kamag anak lang ang ang imbitado. Napaksimple ng handaan,Pansit-bihon,Spaghetti,mga kakanin puto,kutsinta at lumpiang shanghai.Na sila sila rin lang ang nagluto.May ulam na din para sa hapunan,Pata tim at Inihaw na Manok.Bumili rin siya ng isang Cake mula sa isang sikat na bakeshop. Pakatapos ng salo salo ay naisip ng mga lalaki sa pangunguna ng tatay niya na magsipag inuman sa labas ng bahay nila.May resthouse doon na tambayan nila pag tanghali at minsan doon na sila natutulog pag tanghali o hapon. Sila namang mga babae ay nsa Sala at nagkukuwentuhan ng mga buhay buhay nila. "Anong plano mo ngayon Hyacinth,tatlong taon na ang anak mo.Pwede ka ng magtrabaho ulit."sabi ng tita Daniela niya.kapatid ng papa niya. "Iyon nga rin ang sabi ko rito kay Hya,Ako ng bahala dito sa apo ko.Kayang kaya na naming alagaan ito ni Dennis.Mabait na bata si Ace kaya di mahirap alagaan."Wika ng mama niya. "Wala pa ho akong naiisip na apply-yang trabaho."Sagot niya. "Huwag kang mag alala may alam akong pwede mong pasukan.Naghahanap ng karagdagang auditing staff sa Opisina ng Boss ko.Di ba tapos ka ng accountancy..pwede ka doon.Akong bahalang magrekomenda sayo."Sabi ng Tito Jay niya.Isa itong Construction Estimator sa isang Construction Company. "naku nakakahiya naman ho.Bka isipin nila may backer ako."siya na nahihiya pa sa trabahong inirerekomenda ng tito niya. "Basta akong bahala sayo.I-ready mo na Resume at Credentials mo.Dadaanan kita sa lunes ng umaga dito.At ng maisabay na kita sa pagpasok ko."Ang tito Jay niya "Naku tito maraming salamat po talaga.Tatanawin ko hong malaking utang na loob ang matanggap ako sa trabaho.Pag iigihan ko ho ang trabaho ko para di naman nakakahiya sa inyo Tito."Sobrang saya ni Hyacinth. Excited na siya sa Lunes.Kaso sa isiping umaga at gabi na lang niya makakasama ang anak niya ay nalulungkot siya.Pero kailangan niyang magtrabaho.Para sa anak niya.Nakakahiya naman sa mga magulang niya..Masyado na siyang maraming idinulot na kahihiyan sa pamilya.Kaya dapat lang na bumawi na siya.Total malaki na rin c Ace.Masasanay na rin lang siguro siya sa araw araw na iiwanan ang anak niya. Lunes ng umaga ay maaga siyang bumangon,naligo at nag almusal para may lakas siya at may tatag na magtrabaho kung matatanggap siya. Pasado 7am ay dumating nga ang Tito Jay niya.May sasakyan itong 2nd Hand na Mirage. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at naglakad papunta sa gate na kahoy. "hi Tito" bati niya sa tiyuhin. "Pasok ka na.."anyaya ng tito niya. Binuksan niya ang right side na pinto ng sasakyan at naupo siya sa tabi ng driver seat. Umalis din sila pagkakuwan. "Mabait ho ba ang pina kaboss niyo Tito?"Tanong niya sa tito Jay niya. "Mabait sa mabait yun.Pero medyo strict pag dating sa trabaho.Pero ganun lng talaga yun,puno lang ng authority."sabi ng Tito Jay niya. Tumango tango siya.At dahil medyo ninerbiyos binuklat niya ang porfolio niya at muling pinasadahan ang mga nakasaad sa resume niya. Kung sa Grado wala silang mapipintas sa kaniya.Matataas ang grado niya,di katakatakang Dean's Lister siya. Iyon nga lang mukhang kakapusin siya sa Working Experience.Kasi nga naman sa Manila niya naisipan na sumabak agad sa trabaho.Dahil sabi ng mga professor niya mas maganda dw opportunity sa Lungsod.Kaso ang nangyari nadisgrasya naman siya sa pag ibig.At 3 taon tuloy siyang walang trabaho. Sana may magtiwala pa sa kakayahan niya kahit kulang siya sa working experience.Mangangapa siya ulit.Pero pinapalakas naman niya ang loob niya..Kaya niya ito.At dito na muna siya mag uumpisa sa City na malapit sa Lugar nila.Tutal gumaganda rin naman ang takbo ng kalakaran sa kanilang probinsya.Nagiging tourist Destination na din ang lugar nila kaya dumadami ang nagpapagawa ng mga Hotel at Resorts.May nagdagdag na din ng mga Malls at Luxury Establishments.Gumanda at umuusbong ang ekonomiya,mas maraming opportunity din ang nagbubukas sa kanilang probinsya. Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa harap ng Building na pinapasukan ng Tito Jay niya.Pagkapark ng kotse nito sa parking lot ay bumaba na din siya at sumunod sa tito niya.5 palapag ang building.Hindi ito kataasan na tulad sa Maynila.Bihira pa sa lugar nila ang Lumalampas ng 5th floor ang mga building. Bumati ito sa mga guard habang siya ay sige lang ang sunod sa tito niya.Maghahagdanan na lng daw sila para may exercize sabi ng tito niya.Sumunod na din lang siya.total sa 3rd floor lng naman daw ang HR Department. Tumigil sila sa isang pinto at nakita niya na iyon na ang HR Department. "Umupo ka muna dito habang hinihintay sa Miss Karen.8am andito na yun.konting minuto na rin lang hihinatayin mo.Pag dumating sabihan mo na lng na ikaw ang nirekomenda ko."bilin ng tito jay niya. "ok po."sagot niya. "Punta muna ko sa Department namin.Goodluck,alam ko na makukuha ka agad."nakangiting sabi pa ng tito niya. "Sana nga po.Salamat po talaga "sabi niya. Tumalikod na ito papunta s kaliwang bahagi ng pasilyo.Siguro'y papunta roon ang opisina ng tito niya. Iginala niya ang mata sa paligid.kanina nakita niya na Gray ang pintura ng building sa labas,samantalang sa loob ay lahat off-White naman ang kulay. Bawat sulok ng pasilyo ay may mga nakalagay na Indoor plants.Nangiti siya siguroy plantita o plantito din ang may ari ng kompaniya. Sinipat niya ang pambisig niyang relo.10 minutes na lng darating na si Ms.Karen. Hay lumalakas ang kaba niya.Parang tulad lang nung una siyang nag apply ng trabaho.Kinuha niya ang phone niya at nagmobile data.Nagbrowse muna siya sa f******k at nag post nang selfie.May caption na "Goodluck to me.I miss you baby Ace." Di na niya inantay ang mga magko comments sa post niya.Ini off na niya ang data at sinilent ang phone niya.inilagay niya ulit sa sling bag niya. Maya-maya'y narinig niya ang tunog ng takong ng sapatos.Siguro ito na si Ms Karen.Sa tingin niya mahinhin ito dahil base sa tunog marahan lang ito at di nagmamadali. Maya maya pa ay nakita niya ang isang babae na morena,bagsak ang buhok na hanggang balikat.Tingin niyay rebonded ang buhok nito.May suot itong salamin sa mata at nasa 5'3 ang taas.Nakasuot ito ng Black Slack at polo shirt na kulay Light blue, embroided ang pangalan ng kumpaniya sa left side tapat ng didib ng polo shirt.Casual Office Uniform. "Good morning Ma'am."bigay galang niya dito at ngumiti. "Ikaw ba ang pamangkin ni Mr Jay De Vera.?Tanong ni Ms. Karen. "Opo,Ako nga po."tugon niya "Okay,Follow me."si Ms. Karen Pumasok ito sa HR Department. Dumiretso sila sa isang Cubicle at inaya siyang umupo. May sariling Computer at printer ang Cubicle ni Ms Karen. Iniabot niya ang Resume niya.Binuksan naman ito ni Ms. Karen.Tingin niyay binabasa nito ang mga nkasulat doon. "So,may anak ka na pala,but youre still single."kapag kuwan ay sabi ni Ms Karen na sa Resume pa rin niya nakatingin. "Yes po."sagot niya. "Sinong nagbabantay sa anak mo,ngayong magtatrabaho ka.?"tanong nito,ngayoy nakatingin na sa mukha niya. "Parents ko po."Mabilis niyang tugon. "Okey..youre Credentials are impressive,Ms Hyacinth.Just wait more minutes at ipapareview lang ni boss for final approval."Nakangiting Sabi ni Ms. Karen. "Kailangang kailangan kasi talaga ng Auditing Staff dahil minamadali ni boss ang mga malicious discrepancies sa mga project.Lalo na't Government agency ang kliyente.nakakahiya kung matutuklasang low budgeted at nirush ang lahat ng trabaho.Madadamay pati ang Kompanya.Sige maiwan muna kita."Pagkuway sabi nito at tumalikod na.Lumabas ito sa room at siguro'y pupunta sa opisina ng boss. Maya maya ay narinig niya ulit ang tunog ng takong nito.Papalapit sa kaniya.Medyo kabado siya at syempre excited din sa pasya kung tanggap ba siya. Lumapit ito sa kaniya at ngiting ngiti. "Congratulations,You're hired.!"Masayang sabi nito sa kaniya. Siya man ay lumaki ang mata sa pagkabigla."Talaga po?Naku maraming maraming salamat ho.Di niyo lang alam kung gaano ito kahalaga sakin."Naluluhang sambit niya at di mapigilan ang sayang nararamdaman. "You can start tommorrow and meet our Boss at sharp 7:30am,Please wear office attire."sabi pa ni Ms Karen. "Noted po.Thank you po."Pasalamat niya ulit "See you tomorrow.."Si Ms Karen "Tutuloy na po ako."Yumuko siya bilang paggalang at deretso na siya pababa.Itetext na lang niya ang Tito niya. Sobrang excited siyang umuwi upang ibalita sa mga magulang na natanggap siya sa trabaho. Ito na ang simula ng kaniyang pagbangon sa mga pagkakamali niya sa buhay.At sana this time matuwa na ang mga magulang niya.Gagawin niya ang lahat upang makabawi siya sa mga magulang.Kahit paunti unti at least di na siya pabigat at iaasa lahat sa mga magulang niya.Shes really praying for the very best at sana this time wala ng sagabal.Focus siya sa anak niya.Ito na lang pinakamagandang nangyari sa kaniya.Ang saya ng maging isang ina at kahit kailan di niya ikakahiya na single mother siya. This is it..pansit..Go Hyacinth! (R.R)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD