Nabigla ang mama niya na makita siya na papasok sa bahay nila.
"Naku ikaw ba talaga yan Hayacinth?Sino napag iwanan mo sa Apo ko.Di pa ko nakakapunta sa hospital kasi itong ama mo sinumpong nang sakit niya sa pag aalala kay Ace.Inasikaso ko muna at baka dumagdag pa ito na maisugod din sa hospital." wika ng mama niya.
Nagmano muna siya sa Ina.
"Buti na lang ho at dumaan ang Boss ko,Si Sir Lester kaya may napag iwanan ako kay Ace.Kukuha lang ho ako ng ilang damit at magpapalit ho ako ng damit ko,babalik din ho ako doon.At sana makausap ko muli ang doktor na tumitingin kay Ace para malaman ang updates ng paggaling niya." saad niya sa Ina.
"Mabuti na lang at di malala ang tumama sa apo ko.Grabe pag aalala namin ng papa mo.Eh yang boss mo ba eh hindi naabala doon.?baka naabala na natin siya."may pag aalala pa rin sa tono ng ina.
"Wala naman daw ho siyang importanteng lakad kaya sumaglit sa hospital.Ewan ko kung ano nakain nun.Biglang bumait."nakangiting wika ni Hyacinth.Nakapagtataka naman kasi talaga.
"Hayaan mo na.mukhang mabait naman talaga ang boss mo.Wari ko nga kung di ka lang dalagang ina ay nireto na kita sa kaniya lalo at binata naman kamo iyong boss mo hane?" may panunuksong himig ng mama niya.
"naku ma,tigil tigilan niyo nga ako sa kakabiro niyo.Sa yaman nun baka bumili pa iyon ng virgin.Mapera si boss di yun papatol sa may anak na..nakakahiya naman yang naisip niyo Ma."naiiling na wika niya.
"Pero kamo ..,personal na nagpunta at nag alok ng tulong..walang imposible sa taong tumitibok ang puso at sumisinta..malay mo?may gusto saiyo iyang Boss mo.."parang ayaw paawat ng mama niya.
"Ma tama na nga yan.Ang tawag diyan sa naiisip niyo..Imposible!
kaya tama na ho at baka may makarinig sa atin at isipin pa nila na ambisyusa ako." Naiiling na turan niya.Buti na lang at wala itong alam sa nangyari noong out of town nila sa Masbate. Dinampot niya ang mga dadalhin at saka iniwan ang ina na nakatingala pa sa kisame ng bahay nila.
Iiling iling siyang lumabas ng bahay at nagpara ng tricycle para bumalik na sa hospital.
Pero di niya rin maiwasang mag isip..di ba nga halos nagtukaan na sila ng boss niya.dikit na at magkayakap sila sa isang kama .Kaso nga..baka di naman big deal yun sa boss kasi nga maraming babae ang nagkakandarapa doon,mas seksi,makinis,mayaman at ubod ng ganda.di tulad niya walang maipagmamalaki.
Walang dapat ipagduda..di siya magugustuhan ng boss.At syempre mabait lang iyon.Kawang gawa ba..Ganun.
Kung ano anong pumasok sa utak niya namalayan na lang niya na nasa harap na siya ng Hospital.
pagkabayad ay dali dali niyang binitbit ang bag na dala niya.Umakyat siya at tinungo ang kuwarto ng Anak..
Bago niya pihitin ang doorknob ay idinikit na muna niya ang tenga sa pinto.
Dinig na dinig niya ang hagikhik ng anak.Mukhang naglalaro ang dalawa.
Natuwa naman siya na magkasundo na agad ang dalawa.
Dahan dahan niyang pinihit ang knob at sinilip kung ano ang eksaktong ginagawa ng dalawa.
Naglalaro ng pitik bulag ang dalawa kaya grabe ang tuwa ng anak.
"Hi..,nakabalik na ko.!!" anunsiyo niya sa dalawa.Sabay pa itong napalingon sa gawi niya.
"yehey...mama's here.."pumapalakpak si Baby Ace na akala mo'y walang sakit kahit na nga nakadextrose pa.
Jolly na ulit ito halata na ang recovery kahit 1 araw pa lamang.
Hinagkan niya ang anak at niyakap ng mahigpit.
Napatingin siya sa boss niya ng tumikhim ito.
"Ako wala bang yakap at halik?" sabi ni Lester.
Nang aasar na naman.Sabay parang nangingiti.
"Yeah Mama dapat may kiss din po si Tito Lester kasi bantay niya ako." tudyo ng anak na walang alam sa ibig iparating ng boss.
Tiningnan niya ng masama ang boss.Bakit kasi iyon pa ang biniro nito sa bata.
"Baby,hindi naman dapat kinikiss ang boss..Boss ko siya sa trabaho.."paliwanag niya sa anak."sabi sakin ni Tito Lester pwede ako sumama sa office niya at maglalaro kami."Kwento na naman ng anak.
Muli na naman niyang tiningnan ng masama ang boss sa kung ano anong sinasabi nito sa bata.
"No baby,pag di busy si mama baka puwede but now you take a rest muna ha?You still sick." sabi niya ng mahinahon kahit ang totoo naiinis siya dahil sa boss.
"You heard your Mama,you can go to my office when you are already better." tudyo na naman ng boss.
"Yes! magpapagaling na po ako ng makapunta po ako sa office niyo..Yehey!" Excited na sabi ni Ace.
Natutup na lang ni hyacinth ang noo..At sinamaan niya ng tingin ang boss na nagtataas baba ang kilay.Talagang nang iinis.Bakit ba feeling niya nagpapaka ama ito sa di naman niya anak.
Pumwesto na ng higa ang anak.kinumutan niya ito hanggang sa makatulog.
Saka niya hinarap ang Boss.Lumapit siya rito na halos binulungan na lang ang pagkakasabi sa boss.
"Sir naman ano naman ba ang pinagsasabi niyo sa anak ko.Ilang oras lang ako nawala close na kayo agad agad."pero parang frustrated pa ang pagkasabi niya.
"Yeah..and remember pagtatrabahuhan mo yung tulong ko di ba sabi mo.So i want to be near sa anak mo.As close as possible." parang sigurado ang boss sa gusto nitong mangyari.Ano na naman kaya ang naisip nito at bigla bigla na naman na nagkakaganoon.Bat ngayo parang gusto na nitong maging malapit sa anak niya.
At ang siste mapapasubo siya dahil ang sabi niya babayaran niya ang boss sa kahit anong paraan.Eto na nga ata iyon.
Susme..
Seryoso si Lester na nakatingin sa kaniya.Siya na lang ang nag iwas ng tingin dahil alam niyang di siya mananalo sa klase ng titig nito sa kaniya.
Kumakabog ang dibdib niya at bumibilis ang pintig ng puso niya.May sakit na ata siya sa puso..
Buti na lang narito na siya sa Hospital..malapit na sa doctor..makapagpacheck up nga bukas...