Matapos ang friendly date nila ni Lance ay inihatid siya ng kaibigan sa bahay nila. Masaya naman ang Mama niya na makita si Lance At tulad ng dati,guwapong guwapo na naman dito ang Mama niya. Halos di siya makatulog ng gabing iyon.Iniisip niya ang mga dapat gawin sa buhay niya ngayon.Panigurado hindi titigil si Lester ng panliligaw sa kaniya.Base na rin sa sinabi ni Lance.Di naman puwede na iwasan niya at pagtaguan lagi .Nakakainis talaga ang boss niya kay hirap nitong iwasan lalo na dito siya nagtatrabaho.Baon niya araw arw ang lakas nang loob na harapin ito lalo na ang mga mapanghusgang titig ng iba doon. Kung magreresign naman siya saan naman siya pupunta..baka nga ipablock pa nito ang pangalan niya para di makapag apply sa ibang kompaniya. Sa kabilang banda bakit naman patuloy siy

