Hinatid siya ni Lester pauwi.Nagtake out sila ng pagkain para sa magulang at kay Ace.Tinawagan niya ang ina kanina na huwag ng magluto ng hapunan dahil sila na ang bahala. Sasabihin na rin kasi nila sa mga magulang na opisyal na ang kanilang relasyon at ang planong pamamanhikan ng binata. Sila lang ang nagbitbit ng mga tinake out nilang pagkain. Pero matikas pa rin si Lester kahit di na ito magkandaugaga sa mga bitbit. Tuwang tuwa namang sumalubong sa kanila si Ace.Ganun kasi ito tuwing darating siya.Yumayakap agad ito sa mga binti niya tapos magpapakarga. Tuwang tuwa naman ang Papa niya dahil muling bumisita si Lester.Gustong gusto niyang laging nakaka-one on one sa tagay ang manugang to be. Pagkatapos nilang kumain ay saka nila sinabi sa mga magulang na magkasintahan na nga silang

