Getting Along

1246 Words
Hyacinths POV Nakarating kami sa Restaurant.Nauna si Sir kasunod ako.Binati kami ng Guard at receptionist sa entrance. "Good morning Sir,Ma'am,Any reservation Po?" Masigla at nakangiting bati ng babaeng receptionist.Siguro'y ay ngayon lang siya nakakita ng guwapo.Twinkling eyes and wide smiles is evident in her face.She's a pretty i must say. "Yes ,under Mr. Cordova please." sabi ni Sir Lester. "This way Sir." at nauna ng naglakad ng receptionist.Dinala kami sa sa apatang mesa.Iginala ko ang paningin sa Restaurant.Ang lalayo ng distansiya ng mga mesa.Angkop na angkop ang semi-private na pag uusap.Di na need sa VIP room.Dito ay makakapg usap na ng walang istorbo sa pagkakadistansiya ng mga upuan.May Mga partition na indoor plants na nkalagay sa mataas na patungan. May mga painting ding nakasabit sa dingding at mga inspirational qoutes na nakasulat sa dingding ng restaurant. Hindi na ako nag antay na ipaghila ng upuan.Kusa na akong naunang umupo.Umupo na rin si Sir sa katabi ko lang din.Tiningnan niya ang relos sa kamay.Kumunot ang Noo.Mukhang naiinip. "what do you want to eat.?"tanong niya sa akin pagdaka,habang binubuklat ang menu. "lasagna and a tea is enough sir."sagot ko . "Hindi ka kakain ng kanin sa tanghalian?" nakakunot noong tanong niya sa akin.Parang di gusto ang sinabi kong kakainin ko. "Ah kayo na lang bahala sir.Kung kanin po ay okey rin lang sa akin."sabi ko na lamang. Dumating sng order na pagkain ni Sir.Halos kasabay ring dumating ng kameeting niya na si Mr.Cordova. Humingi siya ng paumahin na nalate siya.Naipit daw sa trapik dahil lunchtime. habang kumakain ay na uusap sila.Ako naman ay nakikinig lang din sa kanila.Wala namang importante pang pinag usapan.Siguroy nakapag usap na sila ng nakaraan pa.Dahil may Agreement ng dala si Mr Cordova.Nag pirmahan na sila pagkatapos na kumain.Inimbitahan kami ni Mr.Cordova na Magcelebrate sa bahay niya.Na tinanggap naman agad ni sir Lester.At isasama pa ako.Kaya deretso na kami sa bahay niya dahil kami kami lang naman daw at ang sekretarya niya.Andun daw ang maybahay niya.Kaya nagpasalamat na lang ako na wala naman palang masyadong tao. Nagconvoy lang sila at ng nakarating sa bahay ay deritso sila sa bar counter nang bahay ni Mr.CordovaMayaman ang matanda.Nagpapagawa pala ito ng bahay para sa anak nito na mag aasawa na.Ang kompaniya ni sir Lester ang maghahandle ng Construction.Kompleto na ang design at requirements ng ipapatayong modern house style na bahay.At alam ko na magaling ang Architect na kinuha ni Mr Cordova. Kami ng sekretarya ni mr. Cordova ay inaya namang magmerienda ng ginang.Mababait naman sila kahit na sobrang yaman.Nakita ko nga ang mga sasakyan sa Garahe.Puro mamahalin,di ko alam kung gaano ang halaga dahil wala naman akong alam sa mga luxury cars. Nagkuwentuhan lang kami doon ng ginang at ng sekretarya.May konti akong nasabi tungkol sa buhay ko at wala naman silang nasabing masama sa naging kapalaran ko.Pinuri pa nila ang katatagan ko.Mga isang oras ay lumabas na si sir Lester.Nagpaalam na rin kaming umuwi. dahil sa mag alas kuwatro na ng hapon ay ngprisinta na si sir na umuwi.Nagdahilan naman akong huwag na sana kaso mapilit si sir.Kaya napaOo na lang ako.Habang nasa daan ay may text na natanggap si Sir Lester.Ang sabi iniimbitahan daw siya ni Tito Jay sa bahay dahil may salo salo daw.30th Wedding Anniversary daw.Kaya doon na kami tumuloy kina tito Jay. Pagdating doon ay nandoon ang papa ko.Di naman ako nagulat dahil alam ko na maaring inimbitahan din talaga sila lalo magbayaw naman sila ni Tito Jay. Ipinakilala ni Tito Jay si Sir Lester sa mga bisita nito at Wala naman itong ilang na nakihalubilo sa mga naroon. Nang mag alas singko y media na ay nagpaalam na akong uuwi,dahil iniisip ko rin ng anak ko.Nagpaalam na rin ako kay Sir at tinanguan din ako.Nilakad ko na lang ang papunta sa bahay namin dahil malapit lang naman. Pansin ko kanina si sir ay magaling namang makisama. Naghapunan na kami ni Mama dahil wala pa si Papa.Napatulog ko na rin si Baby Ace.Nagsasara na rin ng tindahan si Mama.Maya mayay may tumigil na sasakyan.Dinig ko ang boses ni Papa na may tama na o tamang sabihin lasing na. Binuksan ko ang pinto at natanaw ko na may naghatid sa kaniya Nagulat ako nang makitang Boss ko ang may akbay sa Papa ko. Anak nang magaling!Nakakahiya sa Boss ko. "Ay sir ako na po sa Papa ko " dali dali akong lumapit at akmang kukunin si Papa sa pagkakaakbay kay Sir Lester. "No,Ako na." tanggi ni boss. "Hay naku,Dennis,Nagpalading ka na naman.!" may pagkainis na sabi ni Mama kay Papa. "Ay sisihin mo iyong Kapatid mo,Ayaw akong payagang umuwi eh."sagot naman ni tatay.Okey pa magsalita pero sumusuray na. "Kaya inihatid ko ho."sabi ni boss. "Naku!nakakahiya tuloy sainyo." himig may hiya sa boses ni Mama.Inalalayan papunta sa kuwarto ng mga magulang ko si Papa, akay ni Sir. Paglabas nila ay inutusan ako ni Mama. "Alukin mo muna magkape yang Sir mo, at ayaw namang kumain.Kumain na raw doon kil Tito Jay mo.Ay kape na lamang para mahimasmasan at mukhang may tama na rin.Ikaw na bahala diyan at matutulog na kmi .Ang lock mamaya huwag mong kalimutan.." Sabi ng Mama ko. "Oho,ako ng bahala."sabi ko. "Salamat ho uli sa paghatid ng asawa ko."sabi ni mama kay sir. "Okey lang ho."sabi ni boss. "Maupo muna kayo diyan Sir.Ipagtitimpla ko lang kayo ng Kape " tumalikod na ako papunta sa kusina. Akala ko ay naupo si sir.Nagulat pa ako ng may magsalita sa Likod ko. "San bang CR niyo." sabi ni Sir. Hawak ko ang dibdib ko sa gulat. "Nagulat ho ako sa inyo.Iyan hong pintong yan.CR po iyan."Sabi ko. Dumiretso siya roon at pumasok.Magbabawas siguro.Akala ko pa naman naupo roon sa Sala.Iyon pala sumunod sa akin. "Salamat" sabi niya ng makalabas ng Cr.Hinila niya ang isang upuan at doon na naupo sa mesa na pinagtitimplahan ko ng kape.Nang matapos ako ay ibinigay ko na sa kaniya. "Magkape na ho muna kayo." aya ko.Kinuha naman niya ang kape niya. "Tulog na ba ang anak mo.?" tanong ni sir sakin. "Ah oho.Maaga ho iyong natutulog." sagot ko.Bagamat naiilang sa presensya ni sir.Halos di ko nga matingnan kapag nakatingin sa akin. Halos di ako makahinga ng maayos pag nasa harap ko si Sir.Siguroy dahil sa kaba..nakakailang kasi syempre boss ko siya. "May nanliligaw na ba ulit sayo,o boyfriend kaya,?" tanong na naman. "Wala hong nagkakamali.saka wala ho talaga akong balak tumingin uli sa mga lalaki." makatotohanang sabi ko.Iyon naman talaga ang plano ko.Huwag na.One is enough. "Why?" tanong na naman "Eh takot na nga ho ako.Baka lokohin na naman ako."sabi ko. "Hindi lahat manloloko at nanakit ng babae." sabi ni Sir. "Ayaw ko ng sumubok Sir.Hindi ko alam kung may tatanggap pa sa akin.Disgrasyada ho ako." nanliliit sa sariling sabi ko. "Hmmm..Just dont close your door.You can give it another try.Di ba,There's a saying,'its better to love and lost,than to never loved at all." sabi ni sir ulit. "Kayo ha...sana lagi na lang kayong nakainom.."Nakangiting sabi ko. "why?" salubong ang kilay na tanong niya sa akin. "Eh kinakausap niyo ko pag nakainom kayo.Di nakakailang kasi ang bait niyo pag nakainom."nagpeace sign pa ako pagkasabi ko. Tumawa si sir ..Natuwa pa ang loko. "Anyway,its Getting late.I have to go.Thanks sa coffee and sa small talk." tumayo na siya.Inihatid ko siya sa tapat ng sasakyan niya.Nagpasalamat ulit ako sa paghatid niya sa Papa ko. "See you tomorrow. "sabi niya. "Ingat kayo Sir." bilin ko. Sinara na niya sng pinto.Bumusina bago umalis.Tinanaw ko na lng siya hanggang mawala sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD